CHAPTER 9

749 30 2
                                    

CHAPTER 9
(Stayne's Pov)

    Umiiyak si Daphne na umalis ng bahay dahil sa matinding takot kay Uridyte na may sapi. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na ang impaktang kapatid ni Blade ang nakita nya kanina. Halos madilim na din ng magising sya.
   At ngayon, eto si Yuring Luka na kakalabas lang ng kwarto nya. Bihis na sya at hindi man lang nagsuklay ng buhok. Pambihira!

   "Nasaan na ang bisita mo, Stayne??" tanung nya.

  Obvious naman na umalis na di ba!? Epal kang adik ka. Haha! Nakakainis to, baka isipin pa nun may blacklady sa bahay na to.

   "Umuwi na." sagot ko.

   "Hindi ko sya gusto." sabi pa nya.

    Pakealam ko kung hindi mo sya gusto! Hindi ka rin naman namin gusto dahil sa mala–impakta mong itsura! Binuksan ko ang tv at saktong Yamato Nadeshiko na ang palabas. Tapos umupo sa sya isang solong sofa.

   "Bakit naman?" tanung ko.

   "Nasa loob ang kulo nun, Stayne."

   Tss. Anu namang alam mo sa ganun e wala ka naman ibang inatupag kundi yang lecheng mga interes at koleksyon mo sa buhay.

    "May surpresa ako sa kwarto mo Stayne. Alam kong magugustuhan mo yun ng sooobbra!"

  Tumingin ako sa dereksyon kung nasaan ang kwarto ko. Pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang makikita ko sa loob nun T.T  anu na naman bang ginawa mong kabulastugan Yuri!? Tumingin ako sa kanya na busy na sa panunuod ng Yamato Nadeshiko.

    "Bakit hindi ka nagsasalita??"

  Dahil ayoko ng humaba pa ang usapan natin na impakta ka! Huhuhu. Anu kayang nasa loob ng kwarto ko!? Parang ayoko ng pumasok dun. T.T

   "Ah, wala. Hehe." sagot ko.

   "Hmm. Ang ganda pala ni Sunako eh, parang ako lang din." seryosong sabi nya.

   Hahaha! Maganda talaga si Sunako, pero ikaw? Haha. Ewan ko lang ah. Ang mata ni Sunako, medyo light violet, e ang mata mo, namumula at nangingitim ang eyebag. Isa kang adik. Hahah! Sari sari na naman ang napasok sa utak ng mangkukulam na to. Pinapatawa talaga ako nito minsan eh.

   "Pwede na din." maikling sagot ko, haha.

   Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa natapos na ang palabas. Nauna syang tumayo at pumunta sa harap ng tv, nagsalang na naman ng panibagong cd. At ako naman, as usual, taga luto ng butihing mangkukulam tsk.

    "Mag tinola ka, Stayne. Gusto ko nun. May manok pa dyan sa ref."

    Yun na yung manok na kinatay nya kahapon!? T.T  Ayoko ng maalala ang katangahan kong yun. Nakakahiya e. Tsk. Binuksan ko ang ref at kinuha ko ang manok na sinasabi nya, hindi pa nalilinis ng maayos dahil may konting balahibo at dugo pa. T.T  grabe, kaya pala may mga  parang balahibo pa akong nakita sa adobong yun kagabe. Gusto ko tuloy masuka. Huhuhu!
    Edi eto nga, nilinis ko ng mabuti yung manok na walang awa nyang minasaker kahapon. T.T ni hindi man lang itinapon yung ibang laman–loob. Susme.

   "Hhiiiiyes! Hahaha!" sigaw na naman ni Yuring may sapi. T.T

   Mag uumpisa na naman syang sapian ng kalukahan nya. Haay. Lalo kasi syang nakakatakot pag ganun. Huhuhu. Hiniwa hiwa ko ang manok, tsaka ang papaya. Makapag shifting na nga sa HRM ah. Magaling naman akong magluto. Haha.

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon