CHAPTER 7

859 39 6
                                    

CHAPTER 7:
(STAYNE'S POV)

   ** Phone Ringing **

  Ang epal naman ng tumatawag na yun! Tsk. Nananaginip pa ako na may kalandian akong sexy na babae eh. Haha. Joke. Tsk! Pikit mata kong kinapa ang cellphone ko sa tabi ng unan ko at sinagot ang tumatawag.

  "Hmmm. Hello?!"

  (Hello, Stayne. Si Blade to.)

  Bigla akong napamulat at nabuhayan ng pag asa ng tumawag si Blade. Yes! This is it.

  "Blade, uuwi na ba kayo??"

   (Hindi pa. Ano ka ba? Kamusta si Uridyte? Okay pa ba kayo dyan??)

   Nanlambot ako sa sagot nya. Ang kapatid mo okay na okay e ako? Eto, kulang nalang i–massacre ng kapatid mo. Tsk.

  "Okay naman. Buhay pa ako."

   (Mabuti naman kung ganun. Dito mo ko kontakin pag may kailangan kayo ah? Salamat talaga pre. Hindi ako nagkamali sayo.)

   Medyo na–touch naman ako sa sinabi nya. Hays! Lalo ng hindi ko maiiwan ang babaysot na Yuri na yun.

   "Ikaw pa. Sige ienjoy mo lang ang bakasyon mo."

   (Bakit naman ganyan ang tono ng pananalita mo? Haha! Parang binabantaan mo ako ah.)

   Natawa naman ako dun. Ganun ang dating sa kanya? Grabe naman.

  "Sira. Hindi no."

   (Sige sige, mahal na ang tawag ko. Haha. Basta pre salamat. Papasalubungan talaga kita.)

   Aba dapat lang, dahil buwis buhay para sakin ang alagaan at bantayan ang kapatid mong may sapi. Pakunswelo mo na no.

  "Wow naman. Salamat,"

   (Ikaw pa. Sige na. Ibababa ko na to ah. Ingat kayo dyan. Salamat.)

   "Ge."

  At yun nga, binaba na nya. Hay, ilang araw pa ba? 12 days pa? Huhuhu! Tulala lang akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Kung hindi lang sana ganun si Uridyte baka niligawan ko na, kaso nakakakilabot talaga sya. Tsk.

   ** tok tok tok tok tok **

  Mahihinang katok na naman, anu na naman kaya ang kailangan ni Yuri? Kinakabahan akong pag buksan sya. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako. T.T  alam nyo ba yung feeling na parang may isang serial killer na gusto kang patayin? Ganun ang feeling ko araw araw. Huhuhu!

   **  tok tok tok tok **

  Mahihinang katok pa rin. Hay, tumayo ako para pagbuksan si Yuri pero laking TAKOT, GULAT, PANGINGINIG, KILABOT AT kung anu–anu pa ang naramdaman ko. Bakit? Dahil eto sya sa harapan ko. T.T  duguan at may hawak na malaking kutsilyo.

   "S–tayne." medyo nanginginig na sabi nya, kaya napaatras ako. Huhu jusko, bakit ganito ang itsura nya?!

   "B–bakit duguan ka??!" tanung ko.

   Kalat ang dugo sa damit, sa kamay, sa mukha at sa kutsilyong hawak nya.

   "May pinatay ak——"

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon