CHAPTER 19

607 26 1
                                    

CHAPTER 19
(Yuri's Pov)

Nakaupo ako ngayon sa isang bench katapat ng fountain at pinapanuod sina Daphne, Stayne at Clone na nagba-bike. May ilang mga tao na tumitingin sakin, bakas sa mukha nila na natatakot sila sakin, nagugulat. May isang babaeng umiiyak ang lumapit sa fountain at may hawak syang coin.

"Sana ba-balikan na ako ni Joshua." sabi nya sabay kiss sa coin na hawak nya at saka inihagis sa fountain.

Umalis yung babae kaya ako naman ang tumayo at lumapit sa may fountain, ano ba to wishing well at naghahagis sya ng coin?? Matupad naman kaya yung wish nya? Hm, sana. Dumukot rin ako ng piso sa bulsa ko, wala naman masama kung magta-try din ako di ba?? Wala namang mawawala sakin.

"Sana.... sana hindi magsawa sakin si Stayne. Sana, hindi sya umalis sa tabi ko." sabi ko, then hinalikan ko yung piso saka ko hinagis.

Sana matupad, hindi ko hihilingin na mahalin nya ako, ayokong mahalin nya ako dahil lang sa wish ko. Gusto ko yung kusa nya akong mamahalin, yung kusa nyang mararamdaman yun. Maghihintay ako, makakapaghintay naman ako.

"Yuri." boses ni Stayne, lumingon ako at nginitian ko sya ng matipid.

"Stayne."

"Nagwish ka ba?? Hehe."

"Sinubukan ko lang."

"Ah, anong hiniling mo??" tanung nya tapos lumapit din sya sa may fountain.

"Secret."

Bawal sabihin, bawal mong malaman. Dumukot din sya ng piso sa bulsa nya at humiling.

"Sana, makahanap ako ng babaeng mamahalin ako habang buhay."

Nandito naman ako Stayne, hindi mo lang napapansin pero nandito lang ako para sayo. Handa kitang saluhin, handa akong maghintay at hinding hindi kita iiwan habang buhay.

"Bakit yun ang wish mo??"

"Secret din :) Picture tayo??"

"Ehhhh--"

"Isa lang, bilis." sabi nya sabay hatak sakin palapit sa kanya.

Kinuha nya ang cp nya sa bulsa nya tsaka kami nag picturan. Isa lang daw pero nakailang picture naman kami. Pinakita nya sakin yung picture namin na dalawa at nagulat na lang ako sa itsura ko.

"A-ako ba yan??"

"Sino pa ba?? Syempre ikaw yan."

Maski ako natakot sa itsura ko, kaya ba nila sinasabi sakin na ang pangit ko? Kaya ba halos lahat sila natatakot sakin dahil sa itsura ko?? Hindi ako nananalamin, as in never akong tumingin sa salamin. Never din akong nagpapakuha ng litrato, pero si Stayne, isang sabi nya lang sumunod agad ako.

"Natakot ka ba?? Wag kang mag alala, hindi naman mahalaga yan eh. At teka, wala ka nga palang cp ano??"

Tumango ako, hindi naman ako marunong gumamit nun. Tsaka hindi ko naman kailangan nun eh, nung nasa korea pa ako lagi lang akong nakakulong sa kwarto. Lalabas lang ako pag kakain, maliligo at magluluto. May tv naman ako sa kwarto ko dun, kumpleto, hindi tulad ng bahay namin dito sa pinas.

"Hindi ko naman kailangan nyan eh."

"Hindi, Yuri. Kailangan mo 'to. In case of emergency. Mamaya ibibili kita."

"Sige. Salamat."

Basta galing sayo, lahat tatanggapin ko. Iniwan namin sina Daphne at Clone sa park at bumalik kami sa SM, kinakabahan akong nagtago sa likod ni Stayne. Pumasok kami sa may Cyberzone at ibinili nya ako ng cp, maganda at cute, kulat white yun pero pinapalitan ko ng black. Ayoko ng puti.

She's Like Sunako The SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon