Sa ating buhay, marami tayong pangarap. Ang pangarap natin kung anong gusto natin maging paglaki, pangarap natin sa ating pamilya at ang iba ay makita nila ang kanilang iniidilo.
Paano kung makita talaga nati ang ating iniidolo na parang imposibleng mangyare?
***************
"Franky anak, gising na may klase ka pa" paggising sa 'kin ni mama. Unang araw pala ngayon ng klase, hindi ko alam kaya hindi ako nagising ng maaga.
"Wait lang ma, wala pa namang gagawin sa school e" dumapa ako at nilagay ang unan sa ulo ko para matakpan ang tenga ko.
Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at may biglang dumagan sa 'kin na parang tumalon pa. "Anong wait lang e unang araw mo 'to bilang isang college student" sabi ni mama na nakadagan pa rin.
"Aray ko ma, sige na alis ka na dyan maliligo na ako" umalis na si mama at naligo na ako.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nag ayos ng buhok. "Pucha college na talaga ako? hindi ko feel HAHAHA anliit ko kase, 5'10 lang height ko e nakakainis". Pagkatapos ko ay pumunta na ako sa lamesa para kumain.
"Ma anong ulam" umupo ako at inayos ang pinggan ko.
"Lechong dinosaur" pagbibiro ni mama habang kinukuha na ang niluto niyang pagkain.
"Oh? talaga? ayos yan" sabi ko.
"O ayan adobong manok, puro adobo na lang ang pinapaluto mo" nilapag niya sa lamesa at inamoy ko ng todo.
Paborito ko kase ang adobong manok, minsan nga ay dalawang araw na ulam ko yun e. Buti na lang walang tumutubo sa balat ko dahil sa manok HAHAHAHA.
"Sarap naman nito bagong luto" kumuha akong kanin bago ako kumuha ng adobo.
"Anong bagong luto? bagong init 'yan,
e ulam mo rin kaya 'yan kagabi e" nagtira nga pala ako kagabi para ngayong araw HAHAHA.Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay mama para pumasok sa school. First day ngayon kaya wala akong kakilala, yung mga highschool classmates ko kase sa ibang school pumasok. Pagkapasok ko sa gate ng school ay marami agad akong nakitang mga students na maiingay at nagkikwentuhan habang ako ay hinanap agad ang room ko.
"Room 204"
Nang makita ko na ang room ko ay agad akong pumasok at umupo, may mga ilan ilan na akong kasama sa room pero wala muna akong balak makipag kaibigan ngayong araw dahil inaantok pa talaga ako. Dahil maagap pa ay kinuha ko ang phone ko at earphone at sinalpak sa tenga ko.
I click the YouTube app to watch random videos. Pinanood ko yung highlights ng laro ng Lakers at Clippers dahil hindi ko napanood kahapon. I'm a huge fan of LeBron James since 2010 hanggang ngayong 2021 at hanggang mag retiro siya.
Pagkatapos ko mapanood ang pinapanood ko ay naghanap na ulit ako ng bago. Suddenly, I saw a song cover "with a smile cover" I clicked it. Paborito kase ng section namin 'tong kantang 'to, dati nga sampung sunod-sunod na beses na nakasalang 'to sa video-oke e.
"Lift your head, baby don't be scared"
Beat.
"Of the things that could go wrong along the way"
Oh shit!!! Pucha ang ganda ng boses.
"Baby, you don't have to worry 'Coz there ain't no need to hurry, no one ever said that there's an easy way. When they're closing all their doors and they don't want you anymore, This sounds funny but I'll say it anyway, Boy I stay... "
YOU ARE READING
Fanboy
Teen FictionFrank Dela Fuente is a college student that become a fan of a youtuber. Because of the angelic voice of Kale Hilary Villaverde, he fell in love with her and he has no hope that he can meet her someday because of their life status.