Chapter 6

9 1 0
                                    

"Franky, 'yong bola"

"Aray ko" napahiga ako at napakapit sa muka ko dahil tinamaan ako ng bola.

"Ano ba iniisip mo at hindi ka naka focus sa laro?" lumapit si Craig saakin at tinulungang tumayo.

"Wala"

"Tumayo ka na dyan Dela Fuente, ituloy niyo na ang practice" sigaw ni coach at nagbalikan na kami sa pwesto.

Pinagpatuloy na namin ang practice  at doon ko na lang tinuon ang atensyon ko. Pagkatapos ng practice dumeretso na agad ako sa klase ko.

May reporting kami ngayon at kasunod na ang grupo namin kaya naghanda na kami. Habang nasa kalagitnaan ng pagrereport namin at parang sumakit bigla ang ulo ko. Maya maya pa ay nahihilo na ako at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

Pagkamulat ko ay nasilaw ako sa puting liwanag na tumatama sa mata ko. Tatayo sana ako pero biglang may pumigil saakin.

"'Wag ka munang bumangon baka mabigla ang katawan mo" sabi nung nurse at pinahiga niya ako ulit.

"Anong pong oras na?" tanong ko sa nurse.

"12:30pm na, ang haba ng mo e" sagot niya. "Sa tingin mo bakit ka biglang nawalan ng malay?" tanong niya habang naglalagay ng tubig sa baso.

"Baka po napagod lang ako sa practice kanina tsaka tinamaan po ako ng bola kanina sa ulo" sabi ko at lumapit siya saakin dala ang basong may tubig.

"Ah sige inumin mo muna 'tong gamot" inalalayan niya ako umupo para makainom ng gamot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay umayos na ang pakiram ko kaya pinayagan na akong umuwi nung nurse.

"Ang aga mo ata umuwi ngayon" sabi ni mama pagkapasok ko ng bahay.

"Wala na kaming klase kase may meeting ang teacher" hindi ko sinabi kay mama 'yong nangyare kanina kase baka mag-alala pa siya e hindi naman malala 'yong nangyare sa akin.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Pagkabihis ko ay humiga ako sa kama ko para magpahinga kase parang pagod na pagod talaga ako ngayon. Bobo ko kase di ko nakita 'yong bola kanina naalog tuloy 'yong utak ko.

Kinuha ko 'yong cellphone ko at pumunta sa Twitter. Bigla kong naalala 'yong unravel, hindi ko naman kayang kantahin 'yon e kaya di ko na lang inisip okay na 'yong napansin niya ako.

Bigla kong naisip na iba na lang kaya ang isend ko sa kanya na kanta. Marunong naman ako kumanta pero hindi kagandahan ang boses ko. Tama iba na lang. Nag-isip ako kung ano ang kakantahin ko. Medyo matagal din bago mapag desisyonan na with a smile.

Sinimulan ko na magrecord pero andami ko nang narecord pero hindi pa rin ako nasa-satisfy sa kanta ko. Bakit feeling ko ang ganda ng boses ko pag kumakanta ako sa CR pero pag nirecord ko na parang nagbabadya ang bagyo.

After 50 na record ay napag desisyonan ko na mag record ulit dahil hindi talaga ako nagagandanhan sa boses ko kaya umabot ng halos 100 na take awit.

Nag friend request ako sa facebook account niya kase doon ko isesend pero ilang oras na ay hindi niya pa rin ako ina-accept. Famous nga pala siya kaya hindi nag aaccept ng request, bahala siya kung ayaw niya edi don't.

Makalipas pa ang ilang oras ay sinend ko na rin 'yong nirecord. 'hi ito na 'yong unravel'. 'Yon ang sinabi ko kahit hindi naman unravel. Bahala na 'yan, baka nga hindi buksan ang message ko e.

Madilim na kaya pumunta na ako sa lamesa para kumain. Pagkatapos ko kumain ay naghugas muna akong pinggan at bumalik na rin sa kwarto dahil may assignment pa akong gagawin. Nagchat lang 'yong isa kong kaklase na may assignment daw, hindi ko naman alam kase maagap akong umuwi kanina.

FanboyWhere stories live. Discover now