Chapter 8

8 0 0
                                    

Frank's POV

"Sige po doc, salamat po" agad naman akong pumunta sa kotse ko dahil late na ako sa laro namin.

Binilisan ko ang pagpapatakbo dahil sa kabilang bayan pa ang pupuntahan ko. Sinabi ko kay Craig na hindi ako makakasabay sa kanila dahil may mahalaga akong pupuntahan, okay lang daw naman sabi ni coach dahil tune-up game lang naman.

Bago ako pumunta kanina sa ospital ay suot ko na 'yong jersey ko, nagsuot na lang ako ng black na hoodie para matabunan.

Pagkarating ko sa parking lot ng school ay dalidali akong bumaba. Halos tumakbo na ako dahil sa pagmamadali at may napansin akong babaeng naka uniform at mabilis ring tumatakbo.

Nang malapit na ako sa kaniya ay bigla na lang siyang tumigil kaya nalampasan ko na siya. Hindi na ako lumingon sa kaniya dahil nagmamadali na talaga ako.

Pagkarating ko sa bench namin ay sinabihan agad ako ni coach na magbihis na kaya hinubad ko na ang hoodie ko. Nag-aayos ako ng sapatos nang halos mapasigaw ang lahat, nakita ko na nakahiga si Craig sa sahig... nainjured ata.

"De la Fuente, ikaw na muna pumalit" sabi ni coach nang dalhin si Craig sa bench.

"Oh, ano ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

"Oo okay lang, ang tagal mo naman na injured tuloy ako" mukha ngang ayos lang, nakakangiti pa e.

Third quarter na pala, late na talaga ako hanep.

"Montalbo out, De la Fuente in" sabi ng announcer at inayos ko naman muna ang jersey at tali ng sapatos.

Papasok na ako ng court nang bigla akong napatingin sa kabilang side ng court ay may nakita akong pamilyar na mukha ng isang babae. Napakunot ang noo ko habang inaalala kung sino ang babae at nang magtama ang tingin naming dalawa ay nanlaki ang mga mata ko ng malaman ko kung sino siya.

"Kale" banggit ko sa pangalan niya ngunit walang tunog na lumabas sa mula sa labi ko.

Parang tumahimik ang buing paligid dahil wala akong narining kahit kaunting tunog. Ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa kaniya at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Frank!" bumalik ang isip ko sa normal nang sumigaw ang teammate ko, nasa court na pala sila at ako na lang ang inintay.

"Ay sorry" napakamot ako sa ulo ko at pumunta na ako sa gitna.

Nang magsimula ang laro ay hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ko at parang ganado ako maglaro ngayon. Basta ay naglaro lang ako at halos lahat ng tira ko ay pumapasok. Layup pasok, mga three pointers ko ay pumapasok rin... pakiramdam ko ako ang init na ng kamay ko.

Kalagitnaan na ng fourth quarter at nagsigawan ang mga tao nang maipasok ko ang ika lima kong three pointer... sunod sunod kasing lima at dahil doon napatawag ng time out ang kalaban namin.

85-68

Malaki na ang lamang namin kaya pinaupo na ako ni coach, yung ibang player naman daw ang maglalaro para naman lahat ay makalaro. Last three minutes na lang naman ang natitira tsaka tune-up game lang naman daw 'to sabi ni coach, hindi kailngang pwersahin ang katawan.

Tumingin ako sa pwesto kanina ni Kale pero wala na siya roon. Taga rito pala siya, kalapit bayan lang pala... grabe hindi ko alam.

St. Vincent Univ.     -    Brecker Academy
            
             95                  -            80

Natapos ang laro na may 23 points ako, highest points sa team namin.

"Grabe ka Franky, kahit second half ka lang lumaro andami mong score" inakbayan ako ni Josh habang naglalakad kami sa tunnel, si Josh 'yong senior namin at starting center.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FanboyWhere stories live. Discover now