Chapter 2

10 1 0
                                    

"Tanghali na, Franky" napamulat bigla ako dahil sa isang sigaw.

"Ma naman e magkikiss na kame e, ano ba yan" nagpagulong gulong ako sa kama ko dahil nanghinayang ako sa kiss. Panaginip lang pala akala ko totoo na e. Bakit ba kapag maganda na ang nagyayare sa panaginip e bigla nang nagigising, badtrip naman!

"Anong kiss? tigilan mo na pag-iisip ng kung ano ano bago matulog, kaya kung ano ano rin ang napapanaginipan mo e" pumasok si mama sa kwarto ko para masigurado na babangon na ako.

Lumabas na si mama nang sabihin ko na maliligo na ako. Pumunta ako sa CR para maligo, habang sinasalo ko ang mga tubig na nanggagaling sa shower ay naisip ko kung sino yung babae sa panaginip ko.

"Sino ba 'yon?" napamulat ako nang maalala ko 'yong babae na napanood ko sa YouTube. "Potek ba't kase hindi ko nakita yung name ng channel niya". Nagpunas na ako ng katawan at nagbihis ng uniform ko.

Pagkababa ko ay may nakahain nang pagkain sa lamesa kaya kumain na ako. Binilisan ko lang ang pagkain ko dahil mahuhuli na ako sa klase. Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay mama para pumasok sa school.

Sumakay na ko ng jeep nang may dumaan. Umupo ako at kinuha ang ang cellphone at earphones ko. Nag patugtog lang hanggang sa makarating sa school ko.

Pumasok na ako room namin at umupo na lang. May mga ibang kaklse ako na nakikipag kilala saakin kaya ganon din ang ginawa ko sa kanila.

Nag-upuan na ang lahat ng dumating na ang prof namin ng first period. Nag discuss siya at may iniwan agad na assignment. Pagkatapos ng first period ay lumipat kami ng classroom lara mameet ang prof namin sa second period.

Ganon lang ng ganon ng nangyari maghapon. Discuss tapos may assignment na ibinibigay ang ibang prof. Ang iba naman ay walang assignment na binigay.

Pagkarating ng hapon ay nag announce na may try out na raw bukas para sa basketball kaya nakipag meeting ako at nag fill up ng form para makasali sa sports club.

Pagkatapos ng meeting ay nakipag kita ako sa kaibigan ko na nag-aaral sa kabilang bayan. Siya ang pumunta rito dahil syempre alangan naman ako pa ang mag adjust.

Nagkita lang kami sa isang fast food restaurant na malapit sa bahay namin.

"Uy, Franky andito ako" may tumawag kaagad saakin pagkapasok ko pa lang. Tinaas pa ni James 'yong kamay niya para makita ko siya.

"Wazzup bro" bati ko sa kanya.

"Antagal mo naman" sabi niya.

"E nag meeting pa kami e, sasali ako sa basketball team ng school namin" sabi ko.

"Baka naman maging halimaw ka na niyan sa basketball pre" pagbibiro niya.

"Matagal na akong halimaw lumaro" pagyayabang ko sa kaniya.

"Wala kang pinagbago, hambog ka pa rin"

"Hindi mo lang kase ako matalo sa basketball e kaya inggit ka, kapag inggit pikit" pagbibiro ko.

"Mamamu pikit, order na tayo libre ko" sabi niya.

Umorder na kami at kumain. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami para umuwi. "Gabi na pala" sabi niya.

"Hindi umaga pa kaya madilim" pang babara ko sa kaniya.

"King ina mo" mukang naasar na siya.

Pumunta muna kami sa sakayan niya pauwi sa kanila dahil malapit lang naman ang bahay ko.

"Ba't hindi ka na lang sa bahay matulog" sabi ko.

"Tanga ka ba? may klase na ako bukas" aniya.

"Tanga ka rin, nagmamagandang loob  lang ako e" sabi ko.

"'wag na isa pang utang na loob 'yan sa sa 'yo e, sige na aalis na ako salamat" sumakay na siya sa bus.

"Sige ingat baka madapa ka sana, salamat din" nag wave siya ng kamay para magpaalam pero nakapakyu siya. Tinaas ko rin ang gitnang daliri ko at ginaya siya.

Umuwi na rin ako sa bahay pagkaalis ni James. "Ma nandito na ako" umupo ako sa sofa at nag tanggal ng sapatos.

"Bakit ginabi ka na?" tanong niya.

"Nangbabae lang ma" pagbibiro ko.

"Aba kailan ka pa natutong mambabae?" parang galit na sabi niya.

"Joke lang, nakipag kita lang ako kay James 'yong kaklase ko noong senior high na dito minsan natutulog" nagtanggal ako ng polo ko uminom ng tubig.

"Ahh mabuti naman at nagkita kayo,  kumain ka na riyan parating na si papa mo mamaya" naglagay ako ng pagkain sa pinggan ko at kumain.

Dumating si papa habang kumakain ako kaya nakisabay siya saakin tapos na raw kase si mama kumain kanina pa.

"Oh Franky, kumusta ang pag-aaral mo?" tanong ni papa.

"Okay lang naman kaso nahihirapan ako sumakay ng jeep ang init parang gusto ko ng kotse" pagpaparinig ko.

Nabulunan si papa nang marinig 'yong kotse. "Akala ko naman nahihirapan ka mag-aral" uminom siya ng tubig at nagpunas ng kamay. "Sige next week bibilhan kita ng kotse" sabi niya.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. "Talaga pa? hindi yan prank?" Napatayo ako dahil sa tuwa.

"Ayaw mo ata maniwala e, bahala ka wag na lang"

"Naniniwala na ako HAHAHA" niyakap ko siya sa tuwa dahil matagal ko nang hinihigi 'yong kotse e.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatpos ko magbihis ay humiga ako sa kama ko at kinutingting 'yong cellphone ko. Nag scroll scroll lang ako sa facebook at may pinanood na isang video na puro nakakatawa.

Pagkatapos ng pinapanood ko ay nagtingin pa ako ng ibang videos kaya nagscroll down ako. May nakita akong song cover "at my worst// cover by Kale" hindi ko alam kung bakit pinindot ko at pinanood, basta pinakinggan ko na lang.

"Can I call you baby"

beat.

"Can you be my friend, can you be my lover up until the very end" shit bakit pamilyar yung boses?

Wtf! siya ba 'yon? Siya ba 'yong napanood ko sa YouTube? Oh my God!!!

"I need somebody who can love me at my worst, know I'm not perfect but I hope you see my worth" pucha ba't angganda ng boses niya.

Pagkatapos ko mapakinggan ang kanta niya ay dumiretso na agad ako sa YouTube para malaman kung siya rin ba 'yong napanood ko noong nakaraang araw.

Agad kong sinearch ang panagalan niya at lumabas naman agad ang channel niya.

Kale

Tiningnan ko ang mga videos niya at nakita ko 'yong napanood kong cover niya ng with a smile.

"Gagi siya nga" napatakip ako sa bibig ko. Nag subscribe ako sa channel niya at pinakinggan ang iba niya pa pang song covers.

Habang pinapakinggan ko siyang kumanta ay parang nasa ulap ako at dinuduyan ng mala anghel niyang boses. Nakakagaan ng pakiramdam, parang nawala ang pagod ko maghapon.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ngayon ko lang naramdaman ito, parang angsaya at napakalambot ng puso ko.

Bakit anglaki ng epekto ng boses mo sa sistema ko...

FanboyWhere stories live. Discover now