Chapter 4

15 1 0
                                    

Dumaan ang ilang araw at nagsimula na ang training namin. Nasa CR ako dahil nagpapalit ako ng jersey. Pagkabihis ko ay pumunta na ako court para mag warm-up.

"Frank salo" ipinasa saakin ni Craig 'yong bola at tinira ko naman. Pasok.

"Nice one" sabi ni Craig.

Nang dumating 'yong coach namin ay pinahanay niya kami at pinag stretching. Pagkatapos namin mag stretching ay tumakbo na kami ng ilang ikot sa court.

Nang makailang ikot kami ay pinag pahinga muna kami ni coach para makapag ready sa shooting drill.

Pinahanay na kami isa-isa ni coach para makapag simula na. Nakarami ako ng shoot at ganon din naman ang mga teammates ko. Magagaling talaga sila at mukang kaya namin mag champion ngayong taon. Lalo na at parang ganado 'yong mga seniors at juniors dahil malapit na silang grumaduate.

Pagkatapos ng mga basic drills ay pinaglaro kami ng 5v5. Kaming mga bago sa team laban sa mga matagal nang player para raw mas mag improve ang skills namin.

Sa unang minuto ay lamang kami pero parang hindi pa nag eeffort 'yong mga mas matatanda saamin habang kami ay todo ang lakas para lang manalo. Nang medyo malaki na ang lamang namin ay ginalingan na nila kaya nakahabol sila at nalamangan kami. Sa huli ay natalo kami dahil magagaling talaga sila.

Pagkatapos ng training ay naligo muna kami at nagbihis bago kami kausapin ni coach. Sinabihan niya lang kami na mga baguhan sa team na ipagpatuloy lang ang aming ginagawa at mga iba pang usapin tungkol sa training.

Agad naman akong pumunta sa room ng first period namin, hindi naman ako nalate dahil maaga naman ang traing namin at halos kasunod ko lang ang prof namin.

Nag discuss lang 'yong prof namin at may mga pinagawang activities. Ganoon din ang mga sumunod ko pang klase.

Nasa canteen ako para kumain ng tanghalian nang biglang nag vibrate ang cellphone ko.

Craig Montalbo sent you a friend request

Inaccept ko naman agad ang request niya at nilgay ko na 'yong phone ko sa bulsa. Susubo na sa ako ng bigla uling nag vibrate 'yong cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko at tingnan ko.

Craig: Hoy nasaan ka? sabay na tayong kumain

Frank: Nasa canteen na ako, kumakain na nga ako e istorbo ka lang

Craig: Intayin mo 'ko

Nilagay ko na lang ulit sa bulsa ko 'yong phone ko at kumain na. Bahala siya gutom na ako.

Maya maya pa ay dumating na siya at umorder na. Nagreklamo pa siya dahil hindi ko raw siya inintay. Kumain na siya habang ako naman ay nagcecellphone lang.

Pagbukas ko ng twitter ay may nskita akong tweets ni Kale.

@kalehil: cute naman ni Gowther

Magrereply sa na ako ng 'hot naman si Escanor' kaso nahihiya ako sa mga nakakakita kaya nilike ko na lang. Pinapanood niya rin pala 'yong Seven Deadly Sins, bagay pala talaga kami HAHAHA charot.

"HOY!"

Naibagsak ko ang cellphone ko sa gulat dahil tinawag ako ni Craig.

"Ano ba? bakit ka naninigaw" kinuha ko 'yong cellphone ko sa sahig.

"E kanina pa kita kinakausap tapos 'di ka man lang sumasagot tapos para kang tanga na nakangiti" inayos niya ang gamit niya dahil tapos na pala siya kumain.

"Ano ba 'yong sinabi mo?"

"Wala potek ayaw ko na sabihin" nilagay niya na ang bag niya sa balikat niya at tumayo.

FanboyWhere stories live. Discover now