Chapter 7

4 1 0
                                    

"Kale, tara sa canteen" akit saakin ni Raina. Recess time namin ngayon at katatapos lang namin mag quiz sa calculus.

"Teka lang nahihilo pa ako dahil sa quiz natin" uminom muna ako ng tubig bago ilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag ko. "Bakit ba kase napilit mo akong mag STEM e, nagpa uto naman ako sa 'yo dahil sabi mo madali lang.

"Grade 12 na tayo, 'yan pa ring linya na 'yan ang sinasabi mo saakin kapag nahihirapan ka... ginusto mo rin naman 'to e kaya tara na sa canteen gutom na ako" kinapitan niya ang palapulsuhan ko at hinila niya ako patayo sa upuan ko.

"Bitiwan mo na nga ang kamay ko, hindi naman ako bata na kailangan pang hilahin para sumunod" hinila ko ang braso ko para matanggal ang pagkakagawak niya rito.

"Ang bagal mo kase" sabi niya.

Nakarating kaming canteen at bumili lang ako ng extra na tubig at apat na biscuit. Halos maglaglagan naman ang mga binili ni Raina dahil sa sobrang dami nito.

"Ang dami naman niyan... saan ang picnic, Joy?" pagbibiro ko sa kanya.

"E sa nagugutom ako e bakit ba? tsaka 'wag mo nga akong tawagin sa second name ko, baka may makarinig" kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kaniyang kilay dahil ayaw niya na tinatawag siya sa second name niya, para raw kaseng dish washing liquid

Nasa 3rd floor pa ang room namin kaya minsan ayaw ko talaga bumaba para bumili sa canteen dahil nakakapagod umakyat pag pabalik na.

Umaakyat na kami sa hagdan at ito namang si Raina ay parang tanga na nililigtaan ang ang ibang hagdan para masabilis na makaakyat.

"Ay potek!" muntik na siyang mapasubsub dahil napamali ang hakbang niya sa isang hagdan.

"'Yan sige ipagpatuloy mo lang 'yang kabaliwan mo, baka bukas may bangas ka na sa muka" sabi ko sa kaniya at pinulot 'yong nalaglag niyang pagkain na binili kanina. "Ang dami pa kaseng binili, ayan tuloy nalalaglag"

"E syempre mamaya maraming maghihingian saakin... alam mo naman ang mga kaklase natin"

"Napakabait mo naman palang bata, ano ba yang mga binili mo?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa room namin at isa isa niyang nilagay ang mga binili niya sa desk ng upuan.

"Dalawang softdrinks... tatlong dewberry, dalawang nova, dalawang cloud 9, tsaka isang hansel" hinanay niya ito isa-isa sa kanyang desk na parang paninda.

"Para ka namang may tindahan niyan" sabi ko at binuksan 'yong biscuit na binili ko.

"Ang tindahan nagbebenta, ako namigay"

"Oy, Raina ang dami naman niyan... pwede makahingi?" lumapit Karl, 'yong isa naming kaklase.

"Oo naman, basta makapal ang muka mo makakahingi ka" bigla akong napahalakhak sa huling sinabi ni Raina ar halos mailuwa ko pa 'yong kinakain ko.

Maraming nanghingi kay Raina at halos lahat 'yon ay tinarayan niya, loko talaga.

Nang dumating na 'yong teacher namin ay nagsiupuan na lahat at nakinig na lang kami sa discussion. Ganoon din ang ginawa ng teacher namin sa last period ngayong umaga at maaga niya rin kaming pinauwi.

Nung hapon naman ay biglaang may announcement na wala raw klase kase may meeting ang mga teachers kaya umuwi na lang kami.

"Hi, tita Leigh nandito na po kami ng anak niyo" nakipag beso pa si Raina kay mama, parang tanga e.

"Parang ang aga niyo umuwi, Joy" sabi mama.

"HAHAHAHAHA" napahalakhak ako dahil tinawag ni mama na Joy si Raina.

FanboyWhere stories live. Discover now