Nagising ako ng maaga ngayon at may ngiti sa labi. Hindi namalayan na nakatulog pala ako kagabi habang pinapakinggan ang boses niya.
Nalaman ko lang na pinapakinggan ko pa pala ang boses niya kagabi nang buksan ko ang cellphone ko at nakalagay sa screen 'yong isang song cover niya na tapos na.
Pumunta na ako sa CR para maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng uniporme ko at bumaba na para kumain.
Nakita ko si mama na nakatingin saakin at parang gulat na gulat. "Bakit ganyan ka makatingin, ma?"
"Nakakapanibago a, bakit ang agap mo ata bumangon ngayon?" sabi niya habang naglalagay ng mga pagkain sa lamesa.
"Secret" umupo ako sa bangko at naglagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Siguro dahil sa kotse"
"Siguro nga" napangiti ako nang maalala ko 'yong babae na napanood ko. "Oo nga pala, nasan si papa?"
"Tulog pa, pagod ata maghapon kahapon" sabi ni mama at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Bigla bigla na lang akong napapangiti habang kumakain dahil parang naririnig ko boses niya.
Pagkatapos ko kumain ay nilagay ko 'yong rubber shoes ko sa bag dahil tryout ngayong araw.
"Ma, papasok na ako magtatryout pa ako ngayon sa basketball team ng school namin" sabi ko isinakbit na ang bag ko sa likod ko.
"Sige galingan mo, mukha ka nang basketball e" tumingin ako sa salamin at tiningnan kung mukha na nga akong basketball.
Napakunot ang noo ko "hindi naman a" umalis na lang ako at pumasok na.
Pagkarating ko ay may mga tao na basketball court at may mga naglalaro na rin. Inagahan nila ang tryout para hindi masyadong maapektohan ang mga klase namin.
Pumunta ako sa CR para magpalit ng jersey at shorts na Lakers at number 23 na may may nakalagay na "James" sa likod. Sinuot ko na rin ang sapatos ko at pumunta na sa court. Nilagay ko lang ang bag ko sa bench at pumunta sa mga naglalaro para makisali sa warm up nila. Lumapit saakin yung isa nakipag kilala.
"Craig nga pala pre, 1st year CE" nakipag shakehand siya saakin at ganon din ang ginagawa ko. Mukha naman siyang mabait, laging nakangiti e puro tawa pa.
"Frank, 1st year BSBA" pagpapakilala ko.
Nakuha ko ang bola pagakatira nung isa kaya tumapak ako sa labas ng three point line at tinira ang bola. Swak. Ibinalik saakin ang bola at nag drive sa tapos nag layup.
Dumating na ang coach ng basketball team at pinahanay na kami at hinati kami sa anima na grupo na tiglilima bawat isang grupo.
Sa second game pa ako kaya umupo muna ako sa bench kasama ang mga kagrupo ko. Una palang naglaro 'yong Craig, magaling siya tsaka medyo mas matangkad saakin pero panis 'to saakin.
Natapos na agad ang unang game dahil 6 minutes lang naman kada isang game, panalo 'yong grupo nila Craig.
Tumayo na ako dahil kami na ang susunod na maglalaro. Nag-usap usap muna kami.
"Pre, pwede bang ako na lang ang point guard?" sabi ko.
"Sige sige ako na sa sa ilalim" sabi nung pinakamatangkad saamin.
May kanya kanya na kaming pwesto kay pumunta na kami sa gitna ng court para sa jump ball.
Natapik ng kakampi ko yung bola papunta saakin at itinawid ko ito sa kabila.
Isa isa na silang pumwesto, humingi ako ng screen sa center namin kaya naka drive ako ng maluwag pero paglamapas ko ay dalawa na ang nakaharang saakin kaya naopen 'yong center namin ipinasa ko sa kanya at naka layup siya ng maluwag.
YOU ARE READING
Fanboy
Teen FictionFrank Dela Fuente is a college student that become a fan of a youtuber. Because of the angelic voice of Kale Hilary Villaverde, he fell in love with her and he has no hope that he can meet her someday because of their life status.