Chapter 5

10 1 1
                                    

Weekend ngayon at wala kaming training at tuwang tuwa ako dahil dumating na 'yong kotse na ipinangako ni papa. Kaso nga lang ilang araw na ang lumipas pero 'di naman pinansin ni Kale 'yong mga tweets ko.

Lumabas ako ngayon para i-drive test 'yong kotse. Umikot lang ako sa may village namin at umuwi na rin. Hindi pa ako pinapalayo kase kailangan ko raw muna kumuha ng lisensya.

Pagkarating ko sa bahay ay kumain muna ako ng alamusal. Pagkatapos ko kumain ay pumunta akong CR para maligo kase iniinitan ako.

Nang makapagbihis na ako ay ginawa ko na muna ang mga assignments ko para wala nang problema. Nainis ako sa sinasagutan ko kase Math, e hindi ko pa naman gusto 'yon kase siya lang ang gusto ko.

Pagkatapos ko sa lahat ng gawain ko ay pinahinga ko muna 'yong utak ko kase lugaw na lugaw na. Hindi ko alam kung paano ko ipapahinga ang utak ko. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag twitter.

Habang nag i-scroll ako ay may bigla akong naisip. Naisip ko na kung idownload ko kaya 'yong mga covers ni Kale, baka sakaling mapagaan nito ang pakiramdam ko.

Ilang minuto rin bago ko madownload ang lahat ng covers niya awit. Halos isang oras pala ako nagdownload kase ang hina ng internet e.

Gumawa naman ako ng playlist para sa mga song covers ni Kale at pinangalanan ko ng Covers ng bebehan. Potek 'yon na lang nailagay ko kase wala akong maisip.

Namili ako sa mga kanta at pinatugtog ko 'yong Through The Years.

Can't remember when you weren't there when I didn't care, for anyone but you. I swear we've been through everything there is, can't imagine anything we've missed. Can't imagine anything the two of us can't do.

Sinasabayan ko ang kanta at napapagaan nito ang pakiramdam ko.  Parang nawala ang lahat ng pagod ko dahil sa boses niya.

Through the years you've never let me down, you've turned my life around. The sweetest thing I've found I've found with you, through the years I've never been afraid, I've loved the life we've made and I'm so glad I've stayed right here with you. Through the years.

Ano ba ang meron sa boses niya at bakit ganito kalakas ang epekto nito sa akin?

Nag twitter muna ako dahil wala akong magawa. Nakita ko na nag tweet si Kale.

@kalehil: iyak talaga ako pag natungtong ko japan

Nag-isip ako ng pwedeng ireply. 'Yong account ko na ang ginamit ko kase sayang naman baka mapansin niya ako e, hindi na ako nahihiya bahala na.

@frankenstein: pag talaga nanotice ako ni Kale kakantahin ko takaga 'yong unravel

'Yon na lang ang nareply ko kahit hindi ko naman talaga kayang kantahin 'yong unravel. Hirap kaya nun tsaka hindi ako marunong kumanta.

Iniwan ko muna 'yong cellphone ko sa study table ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nakita ko si mama na nagluluto ng tanghalian namin.

"Ma ano 'yan?" tanong ko at nagsalin ako ng tubig sa baso.

"Pinakbet" nalungkot bigla ako

"Hala hindi namana ko kumakain niyan e" hindi talaga masyado kumakain ng gulay, kung kakain man ako ay pili lang.

"Bahala kang magutom, dapat kumakain ka na ng gulay ang tanda tanda mo na hindi ka pa rin kumakain ng gulay"

"Kumakain naman ako ng ampalaya a" sabi ko.

"Sus, mas marami pa nga ang itlog na kinakain mo kesa sa ampalaya" sabi ni mama at nilagay na sa piggan ang niluto niyang pinakbet.

"At least may kinain akong ampalaya"

FanboyWhere stories live. Discover now