9 - Elaine

30 1 0
                                    

Kumatok ulit si Elaine. Gusto nya sanang manorpresa pero pakiramdam nya ay nabigo sya. Parang tulog pa kasi ang nobyo nya. Usually, unang katok pa lang, pagbubuksan na ang kung sinuman pero ngayon, nag-antay pa sya ng halos sampung minuto. Maikli lang pero unang beses kasing nangyari. Medyo nag-aalala rin si Elaine dahil baka makita sya dito ni JJ.

Again, she thought about him. Ayaw na nga nyang isipin pero para bang kahit ano ang pumasok sa isip nya, naiuugnay nya kay JJ. Nangyari kasi ang gusto nya, pero wrong timing naman.

Nakakakuha na sya ng senyales na nagkakagusto na sa kanya si JJ. Syempre, malakas ang pakiramdam nya at bihasa na sya sa mga ganitong sitwasyon. Ano pa nga ba ang iba nyang iisipin? Palagi syang tinatawagan, inaaya, tinetext, kinakamusta at kung anu-ano pa. Assuming siguro sya pero alam nyang hindi. Alam nya kung oo at kung hindi.

Kung hindi nya mahal si Eric, baka nagsaya pa sya dahil sa wakas, matapos ang ilang buwan, napansin sya ni JJ. Kaya lang, kinonsensya na sya ni Eric. Iba na ang sitwasyon ngayon. Mas lalo lang syang naguluhan sa dapat nyang gawin so she stayed away from them para makapagmuni-muni. Ang dami nya rin kasing kailangang isipin.

Mabuti naman dahil nakapag-isip naman sya nung panahong hindi nya pinansin ang kambal na parehong dahilan ng pag-iingay ng cellphone nya, pero ngayong makakaharap nya ang isa sa kanila, parang nawala lahat ng pinaghandaan at tiniis nyang isipin.

"Oh." No matter how Eric tried to hide it, napansin ni Elaine na tila ba nabigla ito sa kanya. "Ano... Pasok ka."

Napansin nya pero kunwari hindi. Ngumiti na lang si Elaine. Masaya syang makita si Eric after more than a week.

"Hon, pahinging tubig ha." Dideretso na sana si Elaine sa kusina pero mula sa likod ay hinawakan sya bigla ni Eric sa magkabilang balikat at pinahinto. Nang tignan nya ito ay ngumiti lang ito ng labas ipin.

"Ako na lang." Tumango nalang siya at hinayaan si Eric. Alam nya namang mabait ang nobyo nya. Halata naman e.

Umupo sya sa usual seat nya sa sofa, yung sa gitna, at nanuod sa TV na mukhang kanina pa nakabukas. Wala paring nagbago, she thought. Medyo mas maayos na nga lang kaysa dati. Parang naglinis ang binata pero biglang tinamad dahil ang isang parte, medyo maayos na pero yung iba, hindi.

"Bakit hindi kita matawagan?" Nagulat sya nang biglang magsalita si Eric. Tinawanan lang naman sya.

"Walang signal dun e." It was a lie, of course. Alangan namang sabihin nya ang totoong dahilan? Nagring din ang cellphone nya kanina at sinadya nya itong 'wag sagutin.

Ininom nya ang tubig na iniabot sa kanya pero napahinto sya saglit sa naalala. Limang araw lang ang paalam nya dito pero hindi naman na nagtanong pa. She dismissed the thought. Baka busy lang rin si Eric.

"Bakit ka bumisita?"

"Why the asking?" Inilapag ni Elaine ang baso nya at pinaikot ang braso nya sa braso ng katabi sabay patong ng ulo sa balikat nito. Bawala ba maglambing? "I missed you, that's why."

She could feel that Eric smiled so she smiled. Pinilit nyang huwag isipin ang mga problema nila na nanatili sa utak nya ng ilang araw. Naiinis sya sa mga mali nya pero ano nga naman bang magagawa ng pagmumukmok? Hindi nya na nya hahayaang lumaki pa ang problema nila. Naisip ni Elaine, paano kung may mangyaring pang hindi maganda? Masakit sa pusong isipin 'yon.

"Hon." Elaine said.

"Hmm?" Eric replied.

"Sabihin na natin sa kanila." Hindi nya pa man natatapos ang buong sasabihin nya ay biglang tumayo si Eric. Napatingin sya dito at nakatingin lang naman ito papaharap.

Because ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon