Quezon, after a long time.
Nilanghap ni Eric ang simoy ng hangin. Mataas ang sikat ng araw pero hindi ganuon kainit sa lugar na 'to. Napapalibutan kasi ng mga puno at malayu-layo sa mapolusyong syudad. Ano nga ba ulit ang ginagawa nila dito sa Quezon? Isang biglaang pagpaplano ang nangyari ilang oras pa lamang ang kakalipas. Nagulat pa nga ang driver ng kompanya dahil bigla syang ipinatawag ng mga amo nya. Pati ang mga kamag-anak nila dito sa probinsya, nagulat.
Nilingon nya si Milo na hanggang ngayon ay natutulog sa loob ng van. Ginigising ito ng lola ni Eric at nang magising ito, agad naman itong lumabas.
"Laway mo punasan mo." Eric shoved his hand lightly in Milo's face. Umangil naman ang dalaga na nagpatawa sa kanya.
"Eric!" Suway ng lola nila sabay tanggal sa kamay ng binata. Inangkla ng matanda ang braso nito sa braso ng dalagang kasama. "Papasok na kami sa loob."
"Sige po." Sagot naman ng binata. Binigyan sya ng makahulugang tingin ng matanda at pagkatapos nun ay pumasok na ito sa bakuran ng mga Edralin.
He shook his head but he grinned. Syempre, alam ni Eric ang tingin na 'yon. Alam nyang may kailangan silang pag-usapan.
Hindi nya pa rin alam kung ano ang ibibigay nyang paliwanag, pero ayaw nya na munang mag-isip dahil baka makalbo lang sya. Hindi rin pwedeng basta syang magdahilan dahil ang kapatid nya, kilala nya na ang ugali. Baka pagtripan pa sya nito at mabisto pa ang totoong nangyari. He sighed. Ano ba naman 'tong sitwasyon na kinalagyan nya. It makes him want to stop thinking and just leave things as they are. Konting-konti na lang.
Maglalakad na sana sya nang makaramdam sya ng braso sa balikat nya. Nagsimula na naman ang kakambal nya sa kakulitan nito. "Bro, how did you two end up? I mean, okay I get it, maganda si Milo, magalang at marunong lumugar pero, how?"
Isa pa 'yon sa pinoproblema nya, si Milo mismo.
"Hulaan mo" Hindi masyadong binigyan ng pansin ni Eric ang tanong ng kapatid at naglakad na rin sya papapasok sa bakuran nila. Dahil nakaakbay si JJ kay Eric, natangay sya nito kahit labag sa loob nya.
"Seryoso? Hindi mo man lang sasabihin?!" Reklamo nito.
Eric shook his head. "Nagreklamo ang nagkekwento." He sarcastically said.
Curious? Yes, of course. Gusto nyang malaman dahil gusto nyang maklaro kung tama nga ang mga hinala nya kay Elaine. Mukhang hindi naman ramdam ni JJ na naiilang si Eric kapag nababanggit nya ang babaeng 'yon kaya wala naman syang pangamba. Sa tingin lang ni JJ, hindi pa nila dapat malaman pareho kung ano ba talagang nangyayari sa isa't-isa.
"Tatahimik na nga e." JJ sounded like he's going to have grudge. Para syang girlfriend na nagtatampo. Dahil spoiled nga sya sa sarili nyang kakambal, alam nyang madadaan nya ito sa pagrereklamo pero alam nya rin na malayong magsalita ang kakambal nya. Well, JJ is JJ. Minsan talaga, gusto nya lang mang-inis.
"Mahabang kwento kasi." Si Eric naman, kahit alam na nagbibiro lang ang kapatid nya, nagsalita pa rin. Kahit biro lang kasi, ayaw nya paring makarinig ng ganon sa kapatid nya. Ganun nya kamahal ang kakambal. Ayaw nya talagang magkaroon ng away sa pagitan nila.
"Bro, sabi nya, ampon sya ni lola. Tapos apparently, he's your girlfriend!" Mapilit na sabi ni JJ. Though walang paninisi o kahit anong bahid ng malisya sa sinabi ni JJ, nailang pa rin si Eric. Kung magsisinungaling sya ngayon, lalaki na naman ang gulo. Kung sasabihin nya lahat, ano namang mangyayari sa kanila? Hindi naman napakadaling sabihin na 'Kasi nagkandagagu-gago 'yung sitwasyon nung sinabi mong gusto mo si Elaine'. Man, that's so rude.
BINABASA MO ANG
Because I
ChickLit'If you do not care, then you're most likely to be saved from the thousand problems life has.' In one snap, the smooth life they were living was smudged by the past mistakes that they did and did not do, and the choices they did for the sake of othe...