Sumunod lang ang pulubi sa lalaking nakilala nya sa kalye kani-kanina lang. Pumunta sila sa isang malaking building na inakala nyang opisina sa sobrang bongga. Eto pala yung condominium. Nabasa nya kasi kanina sa labas.
Bakit nga ba ako ulit sumama sa kanya? Pano kung rape-in ako nito? Heh! Wala sa itsura nya. Mukha syang bading.
Nainis sya nang makaramdam sya ng pagkulo ng tiyan nya. Isang araw palang naman syang 'di kumakain pero bakit ganon ang reaksyon ng katawan nya? Dati nga para kaming Muslim na nagraramadan sa bahay, bakit ngayon hindi ko matiis?
Paanong hindi? Eh nakaharap sya kay Eric na nagluluto ng 'itsura palang masarap na'. May counter at stove kasi sa gitna ng kusina at duon sila nakapwesto. Mayaman kasi e.
"Nakaligo ka na ba?" Tanong ng binata sa kanya.
"Oo. Kaya nga nandito na diba?" Nagngiting aso lang ang babae. Pinahiram sya nito ng damit at medyo nailang rin naman ang babae nang bigla syang bigyan nito ng disposable na pang-ilalim. "Matagal pa ba yan? Gutom na gutom na ako."
"Diba binigyan kita ng makapal na sando? Suotin mo nga." Patuloy lang na naggigisa ang lalaki ng kung ano mang species ng plants 'yun na may kasamang hipon.
"Sando?" Tumango ang lalaki bilang sagot. Siguro dahil sa gutom kaya hindi sya maintindihan ng babae. Matalino naman kasi ang babaeng 'to pero kahit sino naman ata nabobobo kapag gutom na gutom. "Bakit pinagsasando mo ko e naka-t shirt na ako a?"
"You should wear something underneath."
"Ah..." Napatayo bigla ang babae dahil sa hiya. Pakiramdam nya, may kung anong gumagapang sa buong katawan nya at parang gusto nyang magtaklob nalang ng kumot hanggang bukas. NAKAKAHIYA! Mabilis naman syang lumabas sa kusina at pumasok sa kwartong sinabi ng lalaki na okupahin nya muna. Puro kalat naman 'yon at mga gamit na hindi nya alam kung para saan.
Nagmamadali nyang isinuot ang sando at parang ayaw na nyang lumabas dahil sa kahihiyan. Ibinagsak nya ang sarili nya sa kama at nagpagulong-gulong. Bakit ka nahihiya?! Diba walanghiya ka?!
"Sunako Nakahara! Labas na dyan, kain na tayo." Sabi ng lalaki sabay katok sa pinto ng kwarto.
"Sunako Nakahara?!" Sumigaw na lang ang dalaga para mawala ang hiya nya. Nagpasalamat rin sya dahil disente rin kahit papaano ang lalaking kasama nya. Sinabi nito kung anong mali at hindi nagpanggap na walang alam para mag-enjoy sa view.
"Kamukha mo naman yun e. Haha."
Hindi na sya nagsalita at pumunta nalang sa kusina. Pagdating nya d'on, nakita nya ang pagkain at parang nagwelga ang tyan nya sa sobrang bango. May mga monsters ata sya sa tyan na sumisigaw ng 'HANDA NA KAMI SA BAKBAKAN!'. Pinagbigyan naman nya ang mga 'yon at kumain sya ng malugod. Dahil sa sobrang gutom, at sa sarap ng pagkain, nalimutan na nyang may kasama nya at kumain na sya ng todo-todo kaagad.
"Di ka man lang nag-pray." Komento ng binata sa kanya.
"WOOH LORD SALAMAT SA PAGKAIN!" Agad nitong sigaw sabay subo ulit.
"Kalma." Muling komento nito. Huminto sa pagsubo ang babae at tinignan ang kasama nya. Wow ha. Ganyan talaga sya kumain? Mukha talaga syang bakla. "Ano pala pangalan mo?"
"Milo." Blankong sagot nya. Ginaya pa nito ang paraan ng pagkain ng lalaki pero sumuko rin sya agad. Masyado syang gutom para mag-iniarte pa.
"I'm Eric." Naramdaman nyang tinignan sya nito at agad naman syang naconscious. Nahihiya parin sya sa kanina. "Gusto mong magtrabaho?"
"Pagkain ang hanap ko, hindi trabaho." Biglang naging magaspang ang tono ng pananalita ni Milo. May naalala ang babae na nagpawala ng gana nyang kumain kaya ibinaba na nya ang kubyertos nya. "And if you're referring job as a sex—"
BINABASA MO ANG
Because I
ChickLit'If you do not care, then you're most likely to be saved from the thousand problems life has.' In one snap, the smooth life they were living was smudged by the past mistakes that they did and did not do, and the choices they did for the sake of othe...