Natatawang napapailing si Chico sa kaibigan nyang si Aste. Minsan na nyang nakitang ganito ang itsura nito at medyo hindi pa rin nya maintindihan kung bakit ganito si Aste kapag namomroblema. Sa barkada kasi nila, silang dalawa ang naturingang mga 'kuya' kaya madalas din silang magkita na silang dalawa lang. Therefore, some of Aste's secrets are with Chico kahit na hindi naman sila ang magbest friend. Tulad na lang ng nangyari kay Aste nang mapariwara ang kapatid nya, na si Chico lang ang nakakaalam. Funny, because this man seems to be useless pero magkaramay sila pagdating sa mabibigat na dalahin ng isa't-isa.
Right now, Chico needs his help, or even his mere advice. O kahit pampalakas lang ng loob dahil desidido naman na sya. Kaya lang mas mukha atang kailangan ng tulong ni Aste dahil sa itsura nito.
"Pre, tapatin mo nga ako, naliligo ka pa ba?" Pabirong tanong ni Chico kay Aste. Tinignan naman sya ng masama ng kaibigan. Messy hair, visible beard and eyebags. Kahit ata magsalamin ay nakaligtaan na nya. Chico wondered. Bakit na naman ganito ang lalaking 'to? Dahil na naman ba sa kapatid nya? Ayaw nya namang magtanong dahil baka ayaw pang pag-usapan ni Aste at gusto lang ng kasama ng binata. Isa pa, may problema rin syang gustong sabihin pero nag-aalala rin naman sya sa kaibigan.
Ilang buntong hininga ginawa ni Aste bago ito tumingin ulit kay Chico. He just glanced but it spoke words. May ibinibigay na emosyon ang mga mata ni Aste na maiintindihan mo lang gamit ang puso mo. No words could describe it clearly, but Chico understood.
"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ni Chico. Inabot nya ang juice na ibinigay ng maid nila Aste at lumagok mula dito. Aste fiddled with his fingers, then he frustratedly slouched. Punung-puno ng hindi maintindihang tensyon ang living room ng mga Suarez. Tahimik rin dito at tanging ang tunog lang ng nag-umpugang baso at platito ang narinig nang muling magsukatan ng tingin ang magkaibigan.
"Ilayo natin sila kay Elaine." Diretsong sabi ni Aste.
"Are you kidding me?" Tatatawa-tawang tanong ni Chico. Nabigla man sya, kailangan nya ring magsalita. Alam nyang kailangan nyang sumagot agad bago pa may magawang hindi maganda ang kaibigan nya. Sa tagal ba naman nilang nagsama, alam na nya ang pwedeng gawin ni Aste. Kapag ganito kasi ang kaibigan nya, parang hindi na ito nag-iisip. Good thing, Aste is aware that he is like that. Kaya nga inaya nya si Chico, para may pipigil sa kanya kung sakali.
"She's a harm to the twins, alam mo 'yan."
Chico grinned. What's with Elaine that makes these men like this? Si Elaine na naman ang pinoproblema ng lalaking 'to at dahil medyo kilala nya ang babaeng 'yon, gusto nyang tumulong sa kahit anong paraan. 'Yun nga lang, hindi nya maiwasang isipin na may alam si Aste na kailangang isikreto sa karamihan.
"Ayos lang 'yun. Experience." Chico said as if he doesn't give a fuck about that situation, which irritated Aste.
"Kilala mo ba---"
"Yes, I know Elaine more than you think. At alam ko rin na naging sila ni Eric." He smirked when Aste gaped. And at that moment, nakumpirma na ni Chico na naging si Elaine at Eric nga.
Si Aste naman, parang nalunok ang dila nya. Hindi nito alam ang sasabihin, o kung tama pa bang magsalita o sapat na ang ekspresyon nya. Ang dami ring pumasok sa isip nya na hindi na nya alam kung ano ang uunahing sabihin sa kaharap. Chico ignored it and continued talking.
"Loko-loko rin ako, kaya kilala ko si Elaine dati pa. 'Yung sa kanila ni Eric, hula ko lang 'yon na napatunayan ko when I saw them kiss." Chico explained because he knows that Aste deserves to know. After all, kailangan nilang magkasundo kung gusto nilang gumawa ng maayos na plano.
"They kissed?" Hindi mapigilang tanong ni Aste na sinagot naman ng tango ni Chico.
"Nakita ko nung hinatid ni Eric 'yung babaeng 'yon pagkauwi nyo galing Ilocos." Pagpapaliwanag pa nito.
BINABASA MO ANG
Because I
ChickLit'If you do not care, then you're most likely to be saved from the thousand problems life has.' In one snap, the smooth life they were living was smudged by the past mistakes that they did and did not do, and the choices they did for the sake of othe...