14 - Milo ft. Elaine

39 1 0
                                    

Nalaman lang ni Milo na Taekwondo competition pala ang pupuntahan nila nung nakarating na sila sa lugar na 'yon. Hindi nya rin inasahan, at hindi nya naisip, na makakasama nya ang barkada ni Eric. May bonus pang Elaine na kasama si JJ. Akala nya kasi silang dalawa lang ni Eric ang magkakasama ngayon. Nakalimutan nyang nagpapasama lang pala sa kanya ang binata.

May laban ang isa sa mga kaibigan ni Eric. Kung hindi nagkakamali si Milo, Cris ang pangalan ng kaibigan nilang 'yon. Matipuno ito at lalaking-lalaki ang dating. Ang mga kilay nito ay natural na salubong kaya kahit normal lang ang ekspresyon ng mukha ng lalaking 'yon, mukhang galit o maangas. Napansin rin ni Milo na parang ayaw nito kay Elaine dahil kahit na magkakasama sila, hindi nito pinapansin si Elaine at isa pa, sa kanya lang bumati ang binata.

"Milo! Sponsor ka namin dito ah!" Sabi ni Cris sa kanya, may kasama pang turo, nang malaman nito ang pangalan nya. Nakuha naman ni Milo ang tinutukoy nila dahil napapalibutan ng tarpaulin na kulay berde at may tatak na Milo ang gymnasium.

"Ah. Kaya naman pala nandito ka e. Business partner mo ba si Eric?" Pagbibiro naman ng lalaking malawak kung ngumiti at medyo pahaba ang mukha. Kahit na medyo may kakapalan ang labi, hindi maikakailang gwapo rin talaga ang lalaking 'to. Chico ang pakilala nya. Ayaw pa ngang maniwala ni Milo nung una pero sinabi ni Eric na palayaw 'yon. Kung sabagay, siya nga, Milo ang palayaw.

"Partner lang, walang business." Panggagatong naman ng isa pa nilang kaibigan. Sa lahat, ang taong ito ang pinakahindi inasahan ni Milo. June del Salve, isang artista. Mas lalo tuloy nyang naramdaman ang pagiging angat sa buhay ni Eric. Biruin mo nga naman, may kaibigang artista?

"Sira ulo kayo." Napatingin sya kay Eric na dumedepensa. Tumingin rin naman ito sa kanya at ngumiti kaya napaiwas sya ng tingin.

"'Pag nagsasabi ng totoo, sira ulo agad?" Sinamaan ng tingin ni Eric si Chico dahil sa sinabi nito. "Milo inaaway ako!"

Natawa lang sya. Habang patuloy na nag-aasaran ang magkakaibigan, napatingin si Milo sa gawi nila JJ. Parang ayaw kasing lumapit ni Elaine sa kanila kaya may kaunting distansya. Napansin rin ni Milo na may isa silang kasamang kanina pa hindi nagsasalita. Si Eric pa nga ang nagpakilala sa lalaki, Aste raw ang pangalan. Gusto nya sanang itanong kung Roid ba ang apelyido nito kaso baka batukan sya ng mga kasama nya sa kakornihan nya.

Nang magsalita na ang tingin ni Milo na MC ng event, pumunta na sila sa pwestong nireserve ni Cris para sa kanila tapos umalis na ito. Hindi nga lang kasama sa bilang ang dalawang babae kaya napilitang humanap ng ibang pwesto sina Chico at Aste para makaupo silang lahat. Nahiya nga si Milo pero naisip nyang kung may paplastikin man dito ang mga kaibigan ni Eric, hindi sya 'yon. Rude. Nanuod lang si Milo ng mga nagsisipaan at mga nag-istretching tao kahit hindi naman sya interesado. Wala naman syang ibang choice. Hindi naman sya makasingit sa bulyawan ni June, Eric at JJ na parang ngayon lang nagkita. Minsan, napapasulyap sya kay Elaine na tatlong upuan ang layo sa kanya. Nanunuod lang rin naman 'to.

Ang sabi sa kanila ni Cris, pangalawa sya sa huling lalaban. Inisip ni Milo na baka matagal pa 'yon. Para silang nasa VIP section dahil nasa pinakaharap sila. Inaliw nya na lang ang sarili nya sa pagtitingin ng mga tao kaysa naman mailang sya sa mga kasama nya. Kung minsan ay kinakausap sya ni Eric pero napakagulo ni June. Gusto nya ngang mapailing dahil para bang hindi ito nahihiya.

Nang hindi na nya makayanan ang pagpipilit na maging interesado sa Taekwondo, naglaro nalang sya sa cellphone nya. Maya-maya ay nabigla sya nang tinalikuran na ni Eric si June at humarap sa kanya. "Okay ka lang—"

"Parekoy ano ba. Kinekwento ko sa inyo 'yung katrabaho ko e!" Hinila ni June ang balikat ni Eric para mapaharap sa kanya.

"Kamukha ko naman si JJ. Sa kanya ka nalang magkwento!" Tinalikuran ulit ni Eric si June.

Because ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon