Precious gave him a smile and to his surprise, hindi nito binitiwan ang kamay niya. "Pasok ka muna." Paanyaya nito sa kanya. Muli nyang tinignan ang lalaking kakalabas lang ng pintuan ng apartment na 'yon. The man eyed him like he is a prey and it sent creeps to Chico. Parang any moment from now, sasakmalin sya nito.
Naglakad sila ni Precious papapasok and the first thing that Chico noticed is the people inside the house. Dalawang babae ang komportableng nakaupo sa isang kulay asul na sofa. Ang isa dito ay parang mas bata lang kay Precious ng dalawa o tatlong taon, habang ang isa naman ay nasa kwarenta na ang edad. They were both dressed casually. Simple pero maayos. Nandun rin si Tam-tam, na mukhang nagulat sa pagdating nya. And also, inside the house was of course the lion a while ago.
Precious led him to a single seater sofa na nasa tabi ng inuupuan ng mga babae. Tam-tam, who seemed to be nervous, escaped the scene and went somewhere. Nagkita naman na sila nuon pero mukhang mas may alam na ito tungkol sa kanya.
"Bisita mo ba sya?" Pagalit na tanong ng lalaki kaya napalunok si Chico. Nakatayo ito malayo sa kanya pero ramdam nya ang takot na ipinaparating nito.
"Ah, opo." Sabi naman ni Precious na tumabi sa mga babae. Sa dulo sya pumwesto para malapit kay Chico. She was just beside him and to make him feel better, she gave him an assuring smile. "Pa, Ma, Charm, si Christian Rico." Tumango ang binata for acknowledgement. "Chico, si Papa, Mama and my sister, Charm."
The women smiled and the man frowned. Nagbigay na lang ang dalaga ng tipid na ngiti.
Chico knows that she's just hiding her true emotions. Nanginginig kasi ang mga kamay nito. Mukhang alam na rin nito kung bakit sya nandito. Gusto sanang hawakan ni Chico ang kamay ni Precious pero napakasama ng tingin sa kanya ng tatay nito. A frowning face and a perfectly manly mustache, a look that could intimidate several people. Isama mo pa ang built ng katawan nito. Takot lang ni Chico na baka bugbugin sya ng tatay ni Precious!
And then he remembered the baby.
"Anong ginagawa mo dito?" Muling tanong ng tatay ni Precious. Mukhang nakita pa nito ang paghahawakan nila ng kamay kanina. Kunsabagay, medyo halata na rin naman na may namamagitan sa dalawa.
"Papa naman, tinatakot mo sya." Natatawang sabi ng Mama ni Precious. In contrary to the father's physique and aura, bubbly ang Mama ni Precious. Malawak rin ito kung ngumiti at hindi mukhang plastikada. "Bakit ka napadaan, hijo?"
Naitikom nya saglit ang bibig nya, and when he realized that this is a nice timing, he spoke about his intentions.
His heart is pounding like hell. Nakakadagdag-kaba pa na lahat sila ay nakatingin sa kanya. Hindi nya alam kung paano nya magsasalita. Alam nya naman ang posibleng maging resulta ng gagawin nya, but it is already too late to back out.
"Ah, ano po.." Huminga sya ng malalim at tinignan ang Papa ni Precious ng diretso sa mata. He reached for Precious' hand bago sya nagsabi ng gusto nyang sabihin. Nakaramdam naman ang mga magulang ng dalaga na may namamagitan sa dalawa. Ang kapatid ni Precious, parang gusto na ring umalis tulad ni Tam-tam.
"Aayain ko po kasing magpakasal ang anak nyo."
Mas lalong kumunot ang noo ng matandang lalaki, napataas ang kilay ng kapatid ni Precious at napatakip naman ng bibig ang mama nito. Maski si Precious ay nabigla. Naramdaman ni Chico na lumamig ang kamay ni Precious kaya mas lalo nyang hinigpitan ang paghawak dito. This is definitely it. They just need to survive this through, don't they?
Pabalik-balik ang tingin ng dalaga sa ama at sa katabing binata. "M-Mag-uusap po muna--"
"Bakit? Nabuntis mo ba ang anak ko?" Muling tanong ng ama ng dalaga sa kanya. Kalmado pa naman ang matandang lalaki pero halatang kumukulo na ang dugo nito.
BINABASA MO ANG
Because I
ChickLit'If you do not care, then you're most likely to be saved from the thousand problems life has.' In one snap, the smooth life they were living was smudged by the past mistakes that they did and did not do, and the choices they did for the sake of othe...