Milo slapped Eric. Not only once, but twice. Magkabilang pisngi na ni Eric ang namumula. Hindi naman ito makatingin sa galit na dalaga dahil sa panlulumo. Hindi nya rin alam kung bakit nagagalit ito sa kanya gayong pinaliwanag naman nya ang side nya kagabi.
"Bakit mo sinabi 'yun sa kanya!" Sigaw ni Milo. Matapos ang eksena kanina, gumagawa na naman sila ng panibago. Nasa parteng likod sa labas ng university ang dalawa at may kaunting taong nakakakita sa kanila. Wala namang nangingialam. Walang gustong mangialam.
Pinilit pang intindihin ni Milo kung bakit ginawa 'yun ng binata pero wala syang maisip na magandang rason. Oo, alam nya na makikipaghiwalay si Eric kay Elaine. Oo, alam nyang ginatungan nya 'yung issue pero kinain sya ng konsensya nya dahil sa mga lumabas na salita sa bibig ni Eric kanina. Pakiramdam nya, mali ang timing nito. Hindi maayos para sa kanya ang ginawang 'yon ng binata.
"Ikaw, bakit mo ginawa 'yon?" Mahinang tanong ni Eric. Hindi ito tumitingin sa dalaga. Napalunok si Milo. Ngayon parang gusto pa syang idamay ng binata.
"Pero ang laking sampal nung sinabi mo sa kanya! Hindi mo ba naisip kung gaano kasakit 'yon?! BABAE PA RIN SYA ERIC! Sana manlang—"
"Tingin mo ba magaan sa loob ko 'yung ginawa ko? Tingin mo ba ayos lang sakin na makitang ganun sila? TINGIN MO BA SYA LANG NASAKTAN?! PUTANG INA MILO PINAUBAYA KO SYA SA KAPATID KO!" Nanigas si Milo nang tignan sya ni Eric. Tumutulo na ang luha nito pero blangko pa rin ang ekspresyon nya. Para bang sa sobrang sakit, 'yun nalang ang kaya nyang ipakita. "Mahal na mahal ko sya pero hinayaan kong mapunta sya sa kapatid ko." Eric laughed weakly. "Alam mo kung bakit, diba?"
Milo bit her lip. Nagkaroon ata ng ugnayan ang puso ni Eric sa puso nya. Nararamdaman nya ang sakit na nararamdaman nito. Ang bigat. Ang bigat-bigat sa dibdib na pagpapakamartir nalang ang magagawa mo para hindi maapektuhan 'yung mga taong minamahal mo. Napaiwas sya ng tingin sa binata nang tumulo ang sarili nyang mga luha. Bakit pati sya naaapektuhan? Naiinis sya sa nararamdaman nya. Naiinis sya dahil nasali pa sya sa magulong sitwasyon na 'to.
"Masakit kasing mahalin 'yung taong alam mong hindi pwede. 'Yung pwede mo syang mahalin, pero ang daming hadlang. Malaya ka pero alam mong magkakagulo 'pag pinagpatuloy mo pa." Eric sighed, then he straightened up. "Mauna na ako."
Alam kong masakit, Eric.
Napayuko si Milo. Syempre, alam nya. Ganon rin kasi ang nangyayari sa kanya. Itinatanong nya rin sa sarili nya kung bakit nya ba sinimulan 'yung eksena kanina. Kung bakit nya ipinakitang close sila ni Eric. Bakit nga ba nya inangkla ang braso nya sa braso nito? Simple lang naman ang sagot e. Kasi ayaw nyang maramdaman ni Eric na nag-iisa sya. Nabigla rin sya kanina. Nagkita-kita silang apat at may bonus pa na pagkakaakbay ni JJ kay Elaine. Kaya ayon, ginawa nya ang una nyang naisip. Gusto nyang tulungan at samahan ang lalaking 'yon. Gusto nyang ipamukha kay Elaine na hindi masasaktan si Eric.
Milo silently cried. Gusto na kasi nya si Eric. Dapat maintindihan nya ang ginawa ng binata dahil parang ganun rin ang ginawa nya para dito. Halos wala silang pinagkaiba bukod sa kung sino ang dahilan. Si Eric ang dahilan nya, kaso si Elaine ang dahilan ni Eric. Parang love triangle na sobrang negative ang ambiance. Madalas kasi, puro ignored feelings lang. Sa love triangle nilang tatlo, sakripisyo at sakit ang nananaig.
***
"Okay ka lang ba?" Hindi maalis ngiti sa labi ni JJ magmula kanina. As she expected, sa isang mamahaling resto nga siya dinala ni JJ. Elaine just smiled in response. "Kanina ka pa hindi nagsasalita."
"May iniisip lang." Hindi halata sa boses nyang nasasaktan sya. Hindi rin iyon halata sa mukha nya. This is Elaine Mallari. Nawala na 'yung nabubuong sweet melody sa kanya at bumalik na naman sya sa dati nyang ugali.
Dahil sa nangyari kanina, inis na inis sya. Kasama nya si JJ pero masyadong lumilipad ang utak nya tungkol kay Eric. Pakiramdam nya hindi na mawawala ang inis nya. Mabilis naman syang nakarecover sa sakit na idinulot ng mga katagang sinabi ni Eric kanina. Inisip nya na, mabuti nga 'yon para hindi na sya ang may kailangang gumawa. Inisip nya na mas madali 'yon para hindi maghahabol si Eric. At ano naman kung isipin nitong malandi sya? Ano naman kung isipin ni Eric na lahat na pinatos nya? Kilala ba sya nito? Hindi. Alam ba nito kung bakit? Hindi. Kaya hindi sya dapat maapektuhan.
Pero nabubwisit talaga sya sa babaeng 'yon.
"Anong iniisip mo?" Pangungulit ni JJ.
Napapikit si Elaine dahil naiirita sya pero agad rin syang napadilat. Naalala nya kasi kung paano hinawakan ng babaeng 'yon ang boyfriend nya. Ah! Hindi na nga pala nya boyfriend 'yon dahil kay Eric na mismo nanggaling na may bago na sya. Kahit gusto ni Elaine na magmakaawa, o alamin kung anong mali, o kahit makausap man lang si Eric, pinipigilan na nya ang sarili niya. Pinaulit-ulit nya sa sarili na eto naman ang gusto nyang mangyari, ang magustuhan sya ni JJ. 'Yung mawala sa dalahin nya si Eric. 'Yung manggamit. Nawala na sa isip nyang intindihin kung saan sya masaya. Isa na lang kasi ang naiisip nyang paliwanag tungkol dito. Si Eric ang nanloko at nahuli nya lang ito. Umayon lang ang tadhana kaya nagkataong nandun si JJ sa tabi nya. Ayaw na nyang linawin. Maayos na e. Wala na si Eric sa buhay nya... Wala na...
Napapikit ng mariin si Elaine para tunawin ang kirot sa puso nya. Ayaw na nyang mag-isip. Ayaw na nyang isipin si Eric. Itutuloy nya nalang ang nauna nyang plano kaysa sumugal sa isang daan na hindi nya pa napag-iisipan ang kalalabasan. Saka nandito na sya e. Wala syang maisip na rason para umatras.
"Hey." JJ snapped. Nginitian nya lang ng matamis ang binata.
Ibinaba ni Elaine ang kubyertos nya at ipinatong ang pisngi sa sariling kamay. "Do you like me that much?"
Tumawa si JJ. Elaine almost adored it pero nakikita nya sa mukha nito ang mukha ni Eric. Nakikita nya rin dito ang JJ na kinainisan nya dati pa man. "Bakit mo natanong?"
"Do you want me?" She asked again.
Ginaya ni JJ ang posisyon ni Elaine. Totoo ngang magkaiba ang ugali ng kambal. "Do you want me to want you?"
Napaiwas ng tingin si Elaine. Nayayabangan sya kay JJ at kaunti nalang, hihilingin na nya na sana, si Eric nalang ang kaharap nya. But then, she realized ayaw nyang makasama ang sinuman sa kambal.
She pictured the woman who's with Eric a while ago. Hindi nya kilala pero naiinis sya. Gusto nyang sabunutan ang babaeng 'yon. Nanggagalaiti sya sa galit. Kahit maisip nya lang, kumukulo na ang dugo nya. Kung totoo ngang nagtwo-time si Eric, sino ang nauna? Elaine thought about forgiving him pero hindi e. Nasaktan sya sa sinabi nito. Bago? So ano ako, luma?
Nanggigigil si Elaine. Malinaw pa sa utak nya ang itsura ni Eric nung magkita-kita silang apat. May emosyon sa mata nito na sinasabing balisa si Eric at hindi gusto ang nakikita nya. Dahil ba ano? Nabisto syang may nilalanding iba?! Nabubwisit si Elaine kapag naaalala niya si Eric. Ramdam nya pa sa mga labi nya ang labi nito pero naiinis sya dahil, kahit papaano at kahit gaano nya itanggi, masyado syang nasaktan sa nakita at narinig nya.
Kahapon lang, ang saya ko. Tapos ngayon malalaman kong may iba sya?
And that girl is making her furious, too. Kung hindi man alam nito na two-timer si Eric, ang malas nya. At napakaodd rin ng biglaang pagkapit nito. Ano 'yon, insecured sya? Natatakot syang baka agawin ko 'yung akin? Elaine almost rolled her eyes. Gusto nyang manapak ng tao. Nabubwisit sya sa dalawang 'yon. Nabubwisit sya sa kaharap nya ngayon. Nabubwisit sya sa buhay nya. Saka bakit kilala ni JJ ang Mickey Lorraine na 'yon? Anong kalokohan 'yon?! Bakit may hindi sya alam tungkol sa buhay ni Eric? She's so insulted.
"Ikaw lang—"
"I know." Pinutol ni Elaine ang sasabihin ni JJ. Alam naman nyang sya lang ang babaeng inaya ni JJ na magdate. Alam nyang sa kanya lang ganito ang binata.
"Do you want me?" Pagbabalik ni JJ ng tanong sa kanya.
Elaine smiled sweetly kahit na nayabangan sya kay JJ. Mayabang naman talaga ito. Masyadong bilib sa sarili nya. "What do you think?"
Nagkibit-balikat si JJ. "You'll like me."
Natawa si Elaine bago sya tumango. No, JJ. You'll want me, then I'll get everything you have. Perfect scene. Eto na ang inaantay nya, bakit pa sya aatras?
She'll bitch around. She'll make everyone's life miserable. Galit sya. Galit na galit na sya sa mundo. Sawang-sawa na syang magtanong kung bakit nangyayari sa kanya 'to kaya ngayon, gaganti na sya.
BINABASA MO ANG
Because I
ChickLit'If you do not care, then you're most likely to be saved from the thousand problems life has.' In one snap, the smooth life they were living was smudged by the past mistakes that they did and did not do, and the choices they did for the sake of othe...