10

36 1 0
                                    

As much as she wanted to eavesdrop, hindi nya magawa dahil may respeto pa raw sya. So, she stayed at Eric's room. Ayaw syang papasukin ni Eric duon sa isang kwarto dahil masyado raw itong naging makalat. Nahiya pa! Workplace kasi ni Eric 'yon and during his 'emotional vacation', kung naguluhan na nga si Milo sa living area, paano pa kaya duon? So, Milo agreed. Si Eric naman ang nag-offer at if ever may consequence man ito, sigurado naman syang sasaluhin ito ng binata.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Eric. Pumasok ito and for a split moment ng pagkakabukas ng pinto, nakita ni Milo si Elaine na nakaupo sa sofa. She rolled over out of shock! Paano kung makita sya nito?! Nakahiga pa naman siya sa gitna ng kama ni Eric!

Sinamaan nya ng tingin si Eric pagkasara nito ng pinto pero nakita nya ang ekspresyon nito. So, she cancelled her 'menstruation mood'. Umupo sya sa gilid ng kama at kinalabit ang lalaking busy sa paghahanap ng hinahanap nito sa side table.

Tinaasan nya ito ng dalawang kilay nang tumingin ito sa kanya at umiling naman ito bilang sagot. Mukha kasing bothered si Eric. Kulang na lang ay pagpawisan sya ng butil-butil ay perpekto nang itsura para sa natataeng tao. Eric reached for his phone and he pointed it as if saying 'Check your phone.'. Tumango nalang si Milo kaya nagthumbs up si Eric at lumabas na ng kwarto.

"Tara labas tayo." She heard him say. Mas malakas ang pagkakabigkas nito kaysa sa natural nitong boses so she assumed that that was for her. Hindi alam ni Milo kung bakit sya napangiti. Napangiti with matching bagsak sa kama, takip sa mukha at kampay ng paa.

Hindi nya naman pinigilan ang sarili nya. Kailangan nyang magsaya, after all.

Pinilit nyang tumigil nung naartehan na sya sa sarili nya. Humilata lang sya sa kama ni Eric habang ang mga binti nya ay nakalaylay sa isang gilid. Ang lambot ng kama nya. Dinama ni Milo ang lambot nun. Nakakarelax. Ang sarap gulungan. Ang sarap ring talun-talunan. Bagay na bagay ito sa mga taong katulad ni Eric, kasi mayaman sila. Syempre naman. Hindi sila naging mayaman para humiga lang sa papag. Ako kaya, bagay sa kanya?

Milo mentally slapped herself. Ano na naman ang naisip nya!? Malamang, hindi sya bagay kay Eric. Sino ba sya? Ni wala nga syang kakwenta-kwenta e. 'Yung babae kaya kanina? Bagay sila?

Again, she mentally slapped herself. Malamang, bagay ang dalawa. Pareho silang sophisticated kung pumorma. Mukha ring pareho sila ng katayuan sa buhay. Mukha ring pareho silang masaya. Basta, sa paningin ni Milo, bagay na bagay ang dalawa. Kahit masakit, alam nya 'yung totoo. HALA! Bakit sya nasasaktan?

Ipinikit nya ang mga mata nya at inalala ang mukha ng babaeng 'yon. Elaine. Narinig nya ang pangalan nito nang mag-usap sa mall ang kambal. Sigurado sya na nakita na nya ang Elaine na 'yon dati. Nakita na nya pero matagal na ang nakalipas. Siguro bata pa sila nun pero kahit gaano naman na katagal ang nakalipas, hindi pa rin makakalimutan ni Milo ang nangyaring 'yon. Nagdududa sya pero sigurado naman sya. Ang gulo.

Naaalala nya ang mukhang 'yon. Naaalala nya ang mala-anghel na mukhang 'yon.

Bigla-bigla ay may naalala sya. Kumunot ang noo nya. Hindi nya lang nakita ang babaeng 'yon! Nakasama nya pa! Muli, nagdududa sya pero sigurado sya.

Tinigilan nya na ang pag-iisip nya tungkol dun at nagpasya nalang syang matulog. Nag-imagine nalang sya ng magagandang bagay hanggang sa unti-unti nang bumigat ang talukap ng mga mata nya.

Riiiiiing.

"LECHE MATUTULOG NA NGA LANG—-" Napatigil sya nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone nya. "Oh, bakit?"

"Nasa condo ka pa?"

"Medyo." Anong medyo? Kalahati nasa loob, kalahati nasa labas? "Oo nandito pa ako!"

Because ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon