CHARWIN CREYJANN ALFEREZ
Nasa harap ako ng bahay na tinitirahan ko ngayon. Pumasok ako sa loob. Pero teka? Bakit nakabukas? Nakalimutan ko ba tong isara kanina?Pagpasok ko sa loob ang linis. Iniwan ko tong makalat kanina ah?. Dumiretso naman ako sa kusina. Nandoon pa rin yung mga platong hugasan. Hindi ko nahugasan kanina bago ako pumasok.
Mamaya ko na lang huhugasan bago ako matulog. Pumunta naman ako sa refrigirator para kumuha at uminom ng tubig. Pag-bukas ko ng ref ay tubig lang talaga ang laman at wala ng iba pa. Hindi pa pala ako nakakabili ng pang stock. Wala pa kasing padala si Mama na nasa Japan. Doon kasi siya nagtatrabaho.
Kumuha ako ng tubig at umupo sa lamesa. Iinum na dapat ako nang marinig kong tumunog ang gitara sa kwarto. Maya-maya ay kasunod kong narinig ang isang boses ng babae na kinakanta ang Your Guardian Angel na sinasabayan naman nya ng gitara.
Nag-init agad ang ulo ko kaya naman umakyat ako sa itaas para magpunta sa kwarto. Pero hindi sa kwarto pala sa kwarto ko nanggagaling ang naririnig ko. Pumunta ako sa kasunod kwarto. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin si Arnabie na feel na feel pa yung pag-gigitara nya at pagkanta. Bigla naman siyang napahinto
"Hello Kuya! Good Evening" (^__^) sabi nya ng nakangiti
Bwiset! kanina nagpunta sa school tapos ngayon nandito sa naman sa bahay. Alam naman nyang nababadtrip ako kapag nakikita ko siya pero ayaw nya pa rin akong lubayan.
"Anong good sa evening ko ngayong nandito ka?" tanong ko ng naka-simangot
"Kuya kaya ko na yung tinuro mo sa'king chords" sabi nya habang kinakalabit ang string ng gitara
"Wala akong paki-alam, umalis ka na at bitawan mo yang gitara na yan" sabi ko
"Hala! akin to eh, may sarili ka namang gitara ah"
Nakaka-urat!! hindi ba nya nakikitang badtrip na ko sa kanya?
"Umalis ka na dito, bumalik ka na sa tatay mo"
"Tatay mo din yun eh" (^__^) - Arnabie
Sobrang naiinis na talaga ako. Araw araw na lang bang masisira ang mood ko?!!!
"Umalis ka na dito bago pa ko mag-wala!!!" pasigaw kong sabi at nagulat naman siya
Binitawan naman nya yung gitara at kinuha ang bag nya na nakalapag sa kama
"Gabi na pala Kuya, uuwi na ko" (^__^) sabi nya ng naka ngiti ulit
Akala nya natutuwa ako sa ngiti nya. Hindi!!!
"Hwag ka nang babalik dito kahit kailan" sabi ko
"Bye Kuya I love you. Ingat always" sabi nya na may malapad na ngiti ulit
Umalis na siya at naiwan akong mag isa sa loob ng kwarto nya. Tiningnan ko yung gitara na gamit nya kanina. Hanggang ngayon pinapractice pa rin nya yung tinuro ko sa kanyang chords ng Your Guardian Angel By Red Jumpsuit Apparatus. Mahinang nilalang! di pa rin nya Master yung chords na yun hanggang ngayon. Tss
Umupo ako sa kama nya. Maalikabok na. Magdadalawang taon na rin kasing hindi nagagamit ang kwartong ito mula nung mag hiwalay sila Mama at Papa.
Pinalayas ni Mama si Papa dito since sya naman ang nagmamay-ari ng bahay na ito. Pina-mana sa kanya ni Lola
Pinalayas siya dito ni Mama dahil sa katarantaduhang ginawa nya. Nahuli sya ni Mama na nang-bababae noon tapos ang dahilan nya lasing daw sya. Bwiset na dahilan yan
BINABASA MO ANG
3 Idiots with Simsimi
HumorHi There !!! Ang kwento na ito ay kwento ng mga magkakaibigan, alam kong maraming makaka relate dito, kaya sana basahin nyo at ng malaman kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng salitang PAGKAKAIBIGAN.