RICH VITALEZ
Lumabas na kami ng guidance office at pumunta na kami sa room. Hindi kami nagpapansinan ni Charwin. Haha. Nagplastikan lang ata kami kanina para lang maka-alis don sa guidance office. Pero nung maka-usap ko siya kanina. Hindi ko akalain na may ganon syang side. Ok naman syang kausap. Medyo matino naman. Pero hindi pa rin nawawala yung pagiging masungit nya. Siguro may mabigat na problema tong tao na to? Kaya sya ganon.
Hindi ko alam kung totoo yung pag-payag nyang maging kaibigan namin sya. Totoo man yun o hindi. Bahal na Haha
CHARWIN CREYJANN ALFEREZ
Uwian na . Naglalakad ako sa hallway. Nakakainis yung mga nakakasalubong kong maglakad. Halos lahat nagmamadali. Para silang mga elementary. Kung makapag madali akala mo maiiwan ng service nilang bus. Makakauwi rin naman sila (-__-)
****Vibrate****
zttttt ztttt ztttt !!
Dinukot ko ang cellphone ko, naramdaman kong nag vibrate. May nagtext pala. Galing sa isang hindi ko kilalang number
Binasa ko
-HI KUYA THIS IS ARNABIE, ANG KAPATID MONG CUTE, INGAT SA PAG UWI (^__^)
BADTRIP! paano nya nalaman ang number ko? pangatlong palit ko na ng sim ah
Hindi ko na sava ang number nya, sinadya kong hindi i save, magpapalit na naman ako ng panibagong sim, kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang nagbibigay ng number ko kay Arnabie, kuko lang walang latay.
Nakayuko ako habang naglalakad at binabasa ko pa ang ibang mga text messages. May bumangga saking babae.
"Aray!!" sabi nung babae at sa sobrang lakas ng pagka bangga nya ay napaupo sya. Nagkalat naman sa sahig ang mga gamit na dala nya
"Ang sakit ng noo ko, Arayyyy" pagdadaing ng babae at hinihimas himas nya pa ang noo nya
Di ko kasalanan yun, sya ang bumangga.
Matapos kung tignan ang mga nagkalat nyang mga gamit sa sahig ay sa kanya ko naman idinako ang tingin ko
Nakatingin lang din sya sakin
"Ok ka lang?" (-__-) tanong ko sa kanya at ako na ang nag-kusang loob na damputin ang mga gamit nya habang naka-upo pa rin siya sa sahig
"Ang sakit ng noo ko eh" sabi nya
Eh ano? ako ba ang bumangga?
"Angelina, next time wag kang babangga sa pader" sabi ko ng matapos kong damputin ang mga gamit nya
"Angelica" sabi nya
Angelica pala (-__-) akala ko Angelina
Ibinigay ko na ang mga gamit nya at tumayo na ko
Pinagdadaanan at pinag-titinginan na sya ng mga kapwa namin estudyante.
Baka may balak syang tumayo dyan (-_-')
"Bakit?" sabi ko ng mapansin ko sya na nakatingin sakin
"Thank you" sabi nya at nakaupo pa rin
"Tumayo ka na dyan, wala ka sa sala nyo" sabi ko at parang natauhan sya sabay mabilis na tumayo
Naglakad na ko at iniwan ko na sya don, nakaktawa sya parang syang bata
BINABASA MO ANG
3 Idiots with Simsimi
HumorHi There !!! Ang kwento na ito ay kwento ng mga magkakaibigan, alam kong maraming makaka relate dito, kaya sana basahin nyo at ng malaman kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng salitang PAGKAKAIBIGAN.