Chapter 4

209 9 5
  • Dedicated kay Shiane Jeanne Bucar
                                    

ENZO BUSTAMANTE


Pumunta na kami sa library, pagpasok namin ay tumambad agad samin ang pagkarami-raming libro na maayos na nakasalansan sa sahig. Ano kayang ipapagawa samin ni Maam?. Ipapabasa samin to lahat? Isang malaking kalokohan yon !

"Ok, itong mga libro na ito ay ilalagay nyo doon" sabi ni Maam Gee at tinuro nya yung cabinet. Yung cabinet na pang libro hindi yung pang dami.

"Ilagay nyo ng maayos ah" dagdag pa ni Maam

"Opo Maam" sabi naming tatlo, hindi naman nagsasalita si Charwin, panis na laway nun

Palabas pa lang si Maam Gee pero may pahabol na tanong itong si Rich.

"Maam matatapos po ba namin ito?" tanong ni Rich kay Maam

"Kaya nyo yan" sabi ni Maam

"Paano po ang klase namin?" -Rich

"Don't worry, excuse kayo" (^__^) sabi ni Maam

At tuluyan na nga kaming iniwan ni Maam

Inumpisahan na namin ang pinapagawa samin ni Maam Gee.

Sa isang cabinet ay dalawa kami ni Reylan ang nagtutulungang maglagay ng mga libro. Sa pangalawang cabinet naman ay si Charwin, tahimik pa rin siya at mabilis na inilalagay ang mga libro sa cabinet. Hanep masipag magtrabaho ang isang to.

Pagtingin ko kay Rich, nagbabasa lang. Tiningnan ko rin yung cabinet na dapat siya yung naka assign para maglagay ng libro doon.

Napasalubong na lang yung dalawa kong kilay, wala pa siyang nailalagay kahit isa? (-__-)

Nang malapitan ko si Reylan ay bumulong ako

"Pare tingnan mo yun oh, nagbabasa lang, wala pa siyang nailalagay na  libro sa cabinet"

Tiningnan naman ni Reylan si Rich

"Oo nga noh" (-__-) sabi ni Reylan

"Ang tamad" sabi ko

"Wait lang" sabi ni Reylan at nilapitan nya si Rich na abala sa pagbabasa.

"Kung lahat ng librong yan ay babasahin mo bago ilagay don, malamang ten years pa ang hihintayin para matapos tayo dito" Medyo iba ang tono ng pananalita ni Reylan, nainis na rin siguro

"Base sa binabasa ko, ang taong nagmamadali ay walang nararating sa buhay" sabi ni Rich at nakatingin pa rin sa librong binabasa nya. Napaka kamot naman si Reylan sa ulo nya

Napahinto naman sa ginagawa si Charwin.

"Wala akong paki-alam sa binabasa mo, wag kang tamad, magtrabaho ka" 

Mababa lang ang tono ng boses ni Charwin pero may pagka-astig. 

Napatigil naman sa pagbabasa si Rich at isinarado ang librong kanyang hawak hawak.

"Hindi kita kausap" -Rich

Kakaiba ang aura na namamagitan sa dalawang ito, naku! baka magsuntukan sila dito. Nag-iba na rin ang itsura ni Charwin dahil sa sinabi ni Rich. Parang nag-aapoy na yung mga mata tapos nagbabaga na yung mga kamay. Yung tipong handa ng manuntok. Si Rich naman kalmado lang. Ang lakas namang mang-asar nito, hindi ba siya natatakot na baka lamunin siya ni Charwin?

"Kapag sinuntok na ni Charwin suntukin na rin natin" bulong ni Reylan

"Tangek wag, yari tayo kay Maam" sabi ko

3 Idiots with SimsimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon