REYLAN LAMBON
Mag-isa akong nakatayo ngayon sa gate. Maaga kaming pinauwi. Mag-aalas singko pa lang ay dinismiss na ni Maam Gee ang klase. DI ako sanay sa ganitong schedule. Afternoon session kasi ang 4th year dati dito. Binago nila, dati naman morning session pero di ko alam kung bakit nag iba. Bakit kaya di rin nila baguhin ang spaghetti nilang maputla dito ? (-__-)
Hinihintay ko si Lhea, ang girlfriend ko. May usapan kasi kaming sabay uuwi. Pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Napaka bagal talaga kumilos nun. (>__<)
Bawat estudyanteng dumadaan ay tinitingnan ko, baka isa na sa kanila si Lhea. Pero nakaka-ilang estudyante na ba and dumaan? wala pa rin akong nasisilayang Lhea.
Busy ako sa pag-pili ng kanta sa phone ko nang biglang may tumawag sakin. Hindi naman masyadong malakas ang volume ng pinapakinggan ko kaya narinig ko pa tumawag.
"Reylan!"
Tinanggal ko ang headset ko at isinabit sa leeg ko.
"Uy Enzo bakit?" sabi ko
"Anong ginagawa mo dyan? di ka pa uuwi?" tanong niya
"May hinihintay pa ko eh"
"Ah, sige uwi na ko"
"Sige ingat"
Hintay
Hintay
Hintay
Biglang may low pressure na dumadating, parang sumama ang panahon, biglang lumakas ang hangin (-__-)
Papalapit sakin si Rich sa kinatatayuan ko kasama ang dalawang lalaki na kaklase nya ata dati nung nasa section 3 pa siya.
"Zap Reylan" sabi nya nang makalapit na siya,
"Bakit?" yan lang ang sinabi ko
"Sama ka samin, mag mo-mall kami" sabi ni rich at naka-akbay pa sa dalawa nyang kasama.
"Kayo na lang, may hinihintay ako eh"
"Ah ganon ba ? sige alis na kami" -Rich
Umalis na Rich at nawala na rin yung malakas na hangin.
Ilang minuto pa lang ay nakita ko naman si Charwin na paparating.
Kakaiba talaga ang isang to (-__-)
Mag-isa lang siyang naglalakad. Yung mukha nya nakakatakot. Akala mo lagi siyang may masamang balak. Sa lahat ng estudyante dito siya lang siguro ang ganyan. Laging seryoso ang mukha. Marunong kayang tumawa to?
Try ko ngang batiin (^__^)
"Oy pre!" sabi ko nang makalapit na siya sakin pero tiningnan lang ako at nilagpasan.
Badtrip pa rin siguro sakin yun hanggang ngayon. Nasagi ko kasi siya kanina habang naglalaro siya sa cellphone nya. Bigla na lang kasing kumati yung tagiliran ko kaya mabilis ko itong kinamot. Tapos ayun, nasagi ko siya. Yamot siya eh (^__^)
Hintay
Hintay
Hintay
Hintay
Ang tagal naman ni Lhea (-__-) magkakalumot na yung paa ko dito.
Maglalakad na sana ako para puntahan si Lhea sa room nila. Naglabasan na kasi yung iba nyang kaklase tapos siya wala pa.
BINABASA MO ANG
3 Idiots with Simsimi
HumorHi There !!! Ang kwento na ito ay kwento ng mga magkakaibigan, alam kong maraming makaka relate dito, kaya sana basahin nyo at ng malaman kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng salitang PAGKAKAIBIGAN.