CHARWIN CREYJANN ALFEREZ
Sabi ko na nga ba at mawawala ako sa focus dahil sa kayabangan ng katabi kong madaldal. Nauurat talaga ako sa mga taong mahahangin, kanina pa ko napipikon dito. Konting yabang na lang. Sisikuhin ko na tong katabi ko. Dahil sa kanya kaya hindi ako nakapag pakilala ng maayos. Scripted na sa isip ko ang mga sasabihin ko pero nawala na lang bigla lahat. Maliban sa pangalan ko.Magkakatabi kami ngayon. Sa kanan ko ay yung Reylan at Enzo. Sa kaliwa ko naman ay yung Rich .
Nagsusulat silang lahat, wala yung teacher namin. Umalis siya matapos kaming magpakilala. Nag iwan lang siya ng susulatin sa blackboard. Nakatingin lang ako sa bintana. Ayokong magsulat tinatamad ako.
"Teka, bakit nga pala tayo nagsusulat? diba dapat binibigyan na lang nila tayo ng xerox copy kasi nagbabayad naman tayo ng tuition?"
Nasira ang pagmumuni-muni ko nang magsalita tong nasa kaliwa ko.
"Huwag ka dito mag-reklamo" sabi ko at binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.
"Saan ba dapat? sa Department of Justice?"
"Pwede bang manahimik ka?"
Magkasalubong na ang kilay ko. Pilosopo eh. Bigyan ko na kaya to ng isa ?(-__-)
"Oh, masyado ka namang highblood"
Highblood? sino ba naman ang hindi maha-highblood sa taong to?. Kulang na lang ay liparin ako sa lakas ng hangin na nanggagaling sa kanya. Tapos ang daldal pa. Akala mo kilala nya lahat ng tao dito, nakakabadtrip pa yung ngiti niya. Hindi mo alam kung nang aasar ba o ewan.
Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at maglalaro na lang ako ng Flappy Bird. Ito ang libangan ko kapag naboboring ako.
"Ayoko na !" sabi nung Enzo
"Anong ayaw mo na?" tanong naman nung Reylan
"Ayoko nang magsulat! sabi ko na ba workhard dito eh" sabi ulit nung Enzo at sinarado nya ang notebook nya
Loko pala to eh. Malamang workhard talaga dito, section 2 kaya to. Kapitbahay ng section 1.
"Unang araw pa lang natin dito susuko ka na agad?" -Reylan
"Gusto ko nang bumalik sa section ko. Ayoko na dito" sabi nung Enzo at kumakamot pa sa kanyang ulo
"Karangalan mo na nga ang mapunta dito ayaw mo pa ? Bakit hindi mo na lang akong gayahin? masipag magsulat" (^__^)
Nakisabat na naman tong nasa kaliwa ko. Sawsawero sa usapan. Ako nga nananahimik lang eh.
"Kayong apat dyan sa likod! manahimik kayo!" sigaw nung babaeng nagsusulat sa blackboard.
Kaming apat daw? nadamay pa ko? naglalaro nga lang ako dito! silang tatlo lang naman yung nag-uusap (-__-) nauurat na talaga ako. Gusto ko nang umalis dito. Gusto ko nang humiwalay sa tatlong kurimaw na to!
Bumalik na sa pagsusulat yung tatlo, pati yung Enzo nagsulat na ulit. Reklamo ng reklamo magsusulat din pala !
Wala akong paki-alam sa sinusulat nila, basta ako nagpa-flappy bird, 100+ na kasi ang score ko eh.
Habang nagsusulat sila, wala pa rin akong ibang ginawa kundi ang pataasin ang score ko.
Seryosong seryoso ako sa nilalaro ko. Maingat kong iniilagan ang mga tubong nakaharang. Kabado na rin ako dahil malapit ko nang malampasan ang high score.
BINABASA MO ANG
3 Idiots with Simsimi
HumorHi There !!! Ang kwento na ito ay kwento ng mga magkakaibigan, alam kong maraming makaka relate dito, kaya sana basahin nyo at ng malaman kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng salitang PAGKAKAIBIGAN.