CHARWIN CREYYJAN ALFEREZ
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ako dahil sa katangahan ng tatlo. Paano nila naisip na girlfiend ko si Liane (-__-) Paano pumasok sa utak na ang ganoong bagay (-__-)
Mga kurimaw na tamang hinala. Malisyoso at chismoso pa
Nandito pa rin kami sa food court at kumakain
"Bakit nga pala hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?" tanong ko kay Liane habang nanguya.
"Nasa teacher's room pa sila kaya nauna na ko dito, nagugutom na ko eh" sagot ni Liane
"Ahhhh" tumango tango na lang ako
"Kamusta naman ang buhay sa section 2?" tanong niya
"Ok naman, medyo nakukulitan lang ako don sa isa kong kaklase" sabi ko
"Bakit naman?"
"Maingay" sagot ko
"Parang hindi ka na nasanay sa school na to, maraming maiingay, wag ka ng magtaka kung maingay din yang kaklse mo" sabi nya
"Grabe kasi siya, walang kapaguran"
"Makisabay ka na lang" -Liane
"Ayoko"
"Bakit"
"Nakaka-pagod" sabi ko
"Tss" -Liane, at kumagat sa burger nya
"By the way, sino nga pala yung tatlo kanina, bakit kilala ka nila?" tanong ni Liane
"Mga kaklase ko sila"
"Ah, mga kaklase mo pala yun" -Liane
"Oo, at yung pinaka matangkad don ay yung sinasabi kong makulit" sabi ko
"Ahhhh" sabi ni Liane " Pero nakakatawa sila" dagdag pa nya
"Nakakatawa ang katangahan nila" sabi ko
"Hahaha" natawa naman siya at ako ay napapailing na lang
****************
RICH VITALEZ
Hindi pa tapos ang breaktime kaya lumabas muna ako para magpunta sa CR. Hindi ako maka-move on sa nangyari kanina. First time kong nag -mukhang tanga sa harap ng babaeng maganda. (-__-). Bakit ba kasi ako naki-sakay sa trip nung dalawa ?. Ito tuloy ang napala ko, nabawasan ang kagwapuhan ko. Tsk tsk
Pag-pasok ko sa CR ay may kababalaghan akong napansin. Nakita kong may apat na paa doon sa may likod ng pinto. Ngayon lang ako naka encounter ng taong apat ang paa ah.
Matik na !
Hindi muna ako nag-salita, pinapaki-ramdaman ko kung anong ginagawa nila. Base sa naririnig ko, pareho silang naghahabol ng hininga. Malagutan sana ang mga to.
"Kailan pa ba naging hotel ang CR" nagparinig ako doon sa dalawang nilalang na nababalot ng hiwaga
"Baby sino yon?" tanong ng isang boses babae
"Ewan ko" sagot naman ng isang boses lalaki
"Wala ba kayong pera para kumuha ng sariling kwarto?" sabi ko
Narinig ko mula sa likod ng pinto ay parang natataranta na sila HAHA
"Lalabas ba kayo dyan o tatawagin ko yung principal at siya ang magiging taga-score nyo" sabi ko ulit at parang nadagdagan ang pagkaka taranta nila
BINABASA MO ANG
3 Idiots with Simsimi
HumorHi There !!! Ang kwento na ito ay kwento ng mga magkakaibigan, alam kong maraming makaka relate dito, kaya sana basahin nyo at ng malaman kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng salitang PAGKAKAIBIGAN.