Chapter 1

461 15 13
  • Dedicated kay Angelica Rosal
                                    

Enzo Bustamante


Nandito ako ngayon sa guidance office, at bakit ?

Mag-eenroll kasi ako ngayon, dapat hindi na talaga pwedeng mag enroll, buti na lang mabait si Maam Perez at pinayagan nya kong humabol, ay este kami pala. May kasama pala ako, late din syang nag enroll tulad ko. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang mukha nya sakin, ang pag-kakaalam ko ay section 6 siya.

"Ok enrolled na kayo" sabi ni Maam Perez matapos nyang tanggapin  ang requirements namin.

"Thanks po Maam"  magkasabay na sabi namin ng katabi kong may nakalagay na headset sa leeg.

"Pero hindi na kayo sa dati nyong section" - Maam Perez

"Talaga po Maam?" (^_^) sabi ng katabi ko

Aba tuwang tuwa ? kunsabagay last section ang sa kanya kaya siguro masaya siya dahil malilipat na siya ng room. Eh ako ? section 5 ako, saan kaya ako mapupunta? Sana naman huwag ako mapunta sa section 6. yari ako nito kay mama at papa, baka isipin nila na nagpapabaya na ko sa pag-aaral ko.

"Maam saang section po ako" tanong ko 

"Mr. Bustamante ikaw ay mapupunta sa section 2"

Ahhhhhhhhhh, sa section 2 lang naman pala eh, 

Ano !!!?

(0.0) sa section 2 ? ayoko don, maraming gawain don eh ! tamad pa naman akong magsulat, hindi ko trip ang mga activity don, masyadong basagan ng utak. Eh bakit ba kasi ako mapupunta don? diba pang matatalino lang ang section na yun ? matalino ba ko ? (-_-) 

Parang nang-iinsulto ata to si Maam ah (>_<)

Ayoko don ayoko !!

"Maam ayaw ko po don" pag aapila ko kay Maam "Hindi po ako matalino"

"Iho, wag kang magsalita ng ganyan, isang opportunity na para sa inyong dalawa ang mapunta sa section na yun kaya wag na kayong makulit ok ?" - Maam Perez

"Maam ako din po section 2 ?" (^_^) nakangiting tanong ng katabi ko.

"Yes Mr. Lambon"

Gusto gusto talaga ng kasama ko sa section na yun, di ba nya naiisip na workhard don ? (-_-) 

"Maam kahit saang section na lang po wag lang po don"  pamimilit ko kay Maam

"Mr. Bustamante., tanging section 2 na lang ang may slot para sa inyong apat, late na kasi kayong nag enroll kaya naubusan na kayo . Mas maganda na mapunta kayo roon. Alam ko naman hindi kayo mag papasaway eh" - Maam Perez

Ah edi yun pala ang tunay na dahilan kung bakit kami mapupunta sa section na yun. Pero teka ? apat daw kami ? kung ganon may dalawa pa ?

Napabuntong hininga na lang ako

"Bro. ayaw mo ba don ? maganda don !" sabi ng katabi ko .

Hindi ko siya pinansin at si Maam ang tiningnan ko bago nagsalita

"Sige po Maam" Pag payag ko

Magsasalita na dapat si Maam nang biglang unti unting bumukas ang pinto at kasunond nito ang pagpasok ng dalawang lalaki, mga estudyante din.

Pareho silang matangkad pero mas matangkad yung isa na parang papatay ng sampung tao kung makatingin. Yung isa naman ay nakangiti pa, di pa man nagsasalita alam kong mayabang to HAHA ! . Pamilyar din ang mukha ng dalawang ito. Yung isang masama tumingin madalas ko tong nakikita sa library. Mahilig ata magbasa (-_-) . wala sa itsura.

3 Idiots with SimsimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon