Chapter 14

26 1 0
                                    

Lara's P.O.V.

"Gala nalang tayo kasi. San ka ba kasi pupunta at mamaya nalang?" Kanina pang tanong ni Trisha sakin.

"Sa pinsan ko nga, ang kulit." Sabi ko habang nag-aayos nang sarili ko.

"Pinsan? Nasa ibang bansa na kaya mga pinsan mo. Ikaw nalang natira dito."

"Iba yun. Hindi mo nakita yun."

"Oo sige na, basta mamaya ah? Aalis tayo."

"Oo sige." Sabi ko at kinuha na ang bag ko pati susi nang kotche. "Aalis na ko ah? Ikaw na bahal dito. Bye!" Sabi konat lumabas na.

Pumunta na ako sa may parking at in-on na ang engine nang sasakyan ko.

Miss na miss ko na kasi ang pinsan ko. Ang tagal ko na din syang hindi nadalaw.

Adrian's P.O.V.

Today is February 5. Isa sa pinaka importanteng araw para sakin.

Kung buhay pa sana sya. 4 years na kami. At siguro, masaya at nagse-celebrate kami ngayon.

"Bro, bakit may cake? Ano meron?" Tanong sakin ni Miko.

"Kay Liza yan."

Yung expression naman nang mukha nya nag-bago at nag-taka bigla.

"Liza? Bakit? Ano meron?"

Tumingin muna ko sa kanya bago pinagpatuloy ang pag-aayos ko.

"4th Anniversary."

"Pinagdidiwang mo pa din?"

"Oo naman. Hindi naman porket nawala sya. Ibig sabihin mawawala na din yung mga important dates samin. Pagpapatuloy ko pa din yun." Totoo naman eh. Mahirap kalimutan ang mga important dates na yun sa haba din nang pinagsamahan namin.

Kahit wala na sya, kahit hindi na kami mag-kasama. Kahit hindi ko na sya nakikita. Gusto ko hindi ko man sya kasama mag-celebrate. Makita nya mula sa taas na mahal na mahal ko pa din sya. 

"Alis na ko. Wag mo babuyin tong unit ko ah." Sabi ko at umalis na. Napaka hilig kasi kumain eh. Mapala kwarto, kusina, sala. Minsan nga nakita ko sa banyo kumakain pa nang saging eh. Bigla daw na nabu-boom. Kaya kung saan saan yung kalat nya.

Lara's P.O.V.

She's my sister, my best friend, mother, grand mother. Lahat na ata nagampanan nitong pinsan kong to eh.

Pero bigla bigla nalang. Nawala sya, alam ko naman na noon na may sakit sya. Pero umalis ako nung mga panahon na lumala yung sakit nya. Nag-stay ako nun sa States kasama ang pamilya ko. Then, bigla ko nalang nalaman. Wala na sya.. Hindi na nya kinaya.

Ang sakit nun para sakin. Nagpa-plano pa kami nun kung ano mga gagawin naman pag-uwi ko. Pero pag-uwi ko. Hindi ko na nagawa yun kasama sya.

Papakilala pa nga daw nya sakin boyfriend nya eh. Proud na proud sya dun sa boyfriend nya na yun. Pero hindi ko na sya nakilala. Hindi din naman sya pumunta sa lamay at libing ni Liza.

Liza, yun ang pangalan nang pinsan ko.

Liza Gabrielle Gonzales.

Nandito na ko ngayon sa cemetery. Nakatingin sa may lapida nya. Nilagay ko na ang mga bulaklak na dala ko at nag-sindi nang kandila.

"Insan. Miss na miss na kita. Nagagampanan naman ni Trisha yung mga sinabi mo sa kanya bago ka mawala. Yun nga lang. May pagka isip bata pa din. Haha."  Pinunasan ko ang luha na tumulo. Sya kasi talaga yung parang nakakatanda kong Ate eh. Kaya mahirap din sakin to. Lalo na at biglaan syang nawala.

Adrian's P.O.V.

Nandito na ako ngayon sa cemetery.

Kinuha ko na ang cake, flowers at bear.

OA na ba? Sino nga ba naman gagamit nung bear dito diba? Inuuwi ko din to. Kaya magugulat ka nalang pagpasok sa kwarto ko. Para akong batang babaeng napaka hilig sa bear sa sobrang dami. Mahilig kasi sya sa teddy bear eh.

Tumungo na ko kung saan sya naka-pwesto.

"Baby ko!"

Para lang ako talagang tanga, siguro nga baliw na ko. Nakikita ko na kasi yung lapida nya. Ang laki nang ginaan sa dibdib ko.

Nilapag ko muna ang cake na dala ko.

May flowers? Sino naman ang magdadala sa kanya sa araw din na to? At may kandila din?

Nilapag ko nalang din sa tabi yung dala kong bulaklak at bear.

"Kamusta na ang baby ko ah?" Sabi ko at naupo na.

"Look, may dala akong cake. Dulce de Leche flavor. Favorite mo to diba?" Sabi ko habang binubuksan yung box. Para lang ako magpi-picnic dito.

Sumubo ako nung cake na ini-slice ko.

"Sige uubusin ko to. Tulad nang pinaginawa mo sakin noon. Never kong makakalimutan yon. Hahaha."

Kumakain ako pero umiiyak ako. Never ko in-expect na magiging ganto ako.

"Imissyou so much Liza, ang tagal na din nun diba? Pero hindi ko pa din kaya kang kalimutan."

Na magiging loner ako. Nagiging masungit din ako. Walang gana sa buhay. Na laging may topak.

"But you know what, I met a girl. Yes. Babae sya. Sorry baby ko. Pero everytime na nakikita ko sya. Naaalala kita. Hawig kayo, super. Parehas kayo nang mata. The way she smiled. Ikaw na ikaw. Kaya nga everytime na nakikita ko sya. Gusto ko naka-smile sya. Kasi feeling ko, masaya ka din kung nasaan ka ngayon."

Humiga ako dito sa may tabi nang pwesto nya. Yung katabi naman nya wala pang nakalagay eh.

I feel much better right now. Kahit wala na sya. I can feel her presence. I can still feel her love.

Lara's P.O.V.

Nakauwi na ko from cemetery. Bumili nalang ako nang pizza at soft drinks para samin ni Trisha.

"Hey Trisha. Dito nalang tayo kumain. Tinamad ako bigla eh." Sabi ko kay Trisha at dumiretcho sa kusina.

"Psst." Lumingon naman ako.

"Salamat at naka-uwi ka na."

"Bakit?"

"Nandito yung tito at tita mo daw."

Napaisip naman ako bigla. Sino naman kaya yun?

"Sino naman?" Tanong ko.

"Lara! My pretty pamangkin!"

Nagulat naman ako dahil biglang may sumigaw.

"Tita?!" May sumunod naman na lalaki na lumabas. "Tito?!"

Napatakbo ako papunta sa kanila at niyakap agad sila.

"Surprise. Hahaha." Sabi ni Tito.

"Bakit po kayo napauwi nang biglaan? Si Mommy at Daddy po?" Tanong ko. Umupo na kami sa may sofa.

"Uuwi sila dito next month. Nauna lang kami dahil may mga aayusin kami dito." Sabi ni Tito.

"Ano po yun?"

"Next month kasi, birthday na ni Liza. 25 na sya nun. Gusto sana namin dito I-celebrate. Inivite ko lang yung iba kong mga kaibigan. Wala na din naman na dito ang mga kaibigan nya kaya tayo tayo nalang." Sabi ni Tita.

Magandang idea din tong naisip nina Tita, kahit kami kami lang. Parang reunion na din.


"Sige Tita, go ako dyan."

/AN: Hello guys! Super slow update. Sorry sorry. Busy lang talaga nung mga nakaraan. At sorry din kung eto kang na-update ko ngayon. Pero sana suportahan nyo pa din po ang Suddenly. Thank you so much!

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon