Chapter 13: Look alike

21 1 0
                                    

Trisha's P.O.V.

"Hindi ba parang ang bilis naman nang pangyayari, ha Lara Gonzales?"

Eto kasing si Lara, crush na daw nua yung kapitbahay nya. Eh nung isang araw kung makapag-kwento sakin na naiinis sya dun lumalaki pa butas nang ilong. Ngayon naman namula sa kilig.

"Hindi kasi, crush lang naman kasi ang sarap nya mag-luto tapos ang cute nya kaninang madaling araw. Hehe." Ang bruha nakakainis ang mukha pag kinikilig.

"Hoy. Oo, sinabi ko na mag-move on ka na at kalimutan mo na si Patrick at maging masaya ka muna. Pero sa ganyang pangyayari. Ang bilis naman masyado nyan." Sabi ko sa kanya. Napatahimik naman sya bigla.

"Alam ko, tama ka. Siguro namiss ko lang na may magluluto sakin. Syaka gumaan lang din siguro pakiramdam ko sa kanya nung may iba akong nasabihan kung bakit ako umiiyak." Sabi nya.

"Aah so sakin walang feelings ganun? Hindi gumagaan loob mo pagnag kukwento ka sakin?" Hmph.

"Hindi." Lumapit sya dito sakin sa kama nya. Nasa kwarto nya kasi kami. Pero nakapwesto sya sa may sahig. "Ang tumpururot mo naman. Natuwa lang ako sa kanya."

Parang kapatid ko na din tong si Lara, matanda lang sya sakin nang ilang buwan kaya parang Ate ko na din sya. Halos buong buhay ko kasama ko na sya. Kaya mahirap at masakit din sakin na makita syang nasasaktan pa din dahil lang sa iisang lalaki.

At kahit sinasabi ko sa kanya na humanap na syang iba, hindi ko naman sinabi na agad agad. Bruha to.

Miko's P.O.V.

"So parang sinasabi mo na natutuwa at cute-an ka sa kanya kasi hawig sila ni Liza, ganun ba? Kaya gusto mo sya nakikitang masaya?"

"What? No, hindi. Ewan. Hindi ko alam."

Ungok tong pinsan ko. Akala ko pa naman medyo natutulungan na nya ang sarili nya na mag-move on kay Liza.

Yun pala, kaya pala biglaan syang napapangiti eh dahil may hawig daw yung kapitbahay nya kay Liza. Yung way daw nang pag ngiti at yung mata, parehas daw.

"Umayo ka nga insan. Akala ko pa naman nakaka move on ka na." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw lang naman nag-iisip nun eh. Hindi ko pa kaya."

"Kaya mo. Sinasabi mo lang hindi kasi ayaw mo pa. Kasi wala ka pang nahahanap na katulad nya." Sabi ko.

Lara's P.O.V.

Nandito kami ngayon sa mall ni Trisha. Mag-bonding daw kami dahil miss na miss na daw nya ko. Tch. Hahaha.

"Eto ba maganda?" Kanina pa tanong nang tanong tong si Trisha kung maganda ba o bagay sa kanya to.

"Oo bagay." Sabi ko nalang.

"Ano ba tumingin ka naman. Hindi mo pa nga nakikita bagay na agad. Tinatanong ko palang kung maganda eh." Natatawa ako sa itchura nito. Mukhang bata na ewan.

"Hahaha. Oo maganda, lahat din  naman nang nandito bagay sayo eh."

"Tss. Ikaw, ano kukunin mo dito?"

Nandito kasi kami ngayo sa bilihan nang sapatos.

"Hmm. Wala, wala akong feel ngayon na bilhin na sapatos eh."

"Sure ka? Sige bayaran ko nalang tong isa kong nakuha."

Tumango nalang ako at pumunta na sya sa may counter. Pumunta muna ako dun sa mga sapatos nang lalaki.

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon