"Bakit ba lilipat ka nang condo ah? Syaka bakit ngayon mo lang sinabi? Eh di sana nakakuha din ako kung saan ka para malapit lang ako sayo." sabi ni Trisha habang sumusunod sunod sakin habang inaayos ko ang mga gamit ko.
"Sa tingin mo pano ko masasabi sayo kung wala ka lagi dyan sa condo mo tapos pag kausap kita lagi kang lutang galing sa bar?" Tambayan nito bar eh.
"Eh basta, after 1 week o ano man. Susunod ako sayo."
"Oo na sige, buntot kita nu?"
"That's what friends are for." sabi nya na may halong pa-cute.
"Ang arte mo Trish kainis."
"Hahaha, sorry na." sabi nya tapoa umupo dito sa isang upuan. "Pero seryoso, bakit ka ba lilipat ah? I mean, maganda naman dito. Pero bakit?" dagdag nya.
"Maraming memories dito na kailangan ko na burahin, at isa to sa paraan ko." sabi ko
"Wait, wait. Totoo na ba to? Magmu-move on ka na ba?"
"Yes."
"FINALLY! After 3 years?! It's a miracle! Whoooo!" tumalon talon pa pagka sabi nya yan.
"Para kang timang dyan Trish."
"Dahil you decided na magmu-move on ka na. Well, kailangan mo na din hindi maging convo ender at bitter at masungit." dagdag nya na sabi.
"Bakit? Ganun ba ko?"
"Sabi ko na nga ba eh, oo kaya! Kaya yung mga iba na nireto ko sayo eh wala. Sumuko agad. Halata naman daw kasi na wala nang pag-asa. Ang cold ay boring mo daw."
"Ano? Ako? Talaga?"
"Opo kaya, hindi ka talaga aware? Kaya ayan ah. Isa yan sa babaguhin mo ah?"
"Oo na sige, lumabas ka na. Dun muna ko hintayin."
"Ayy magda-drama ka pa? Lola mo actress. Oo na sige. Bilisan mo ah." ayun at lumabas na si Trish, ang daldal daldal talaga nun.
I never thought na magiging ganun ako, na ganun din magiging tingin sakin nang ibang lalaki. Well, it's time. I know. I'll try to back the real me. Ibabalik ko ang dating Lara. Yung masayahin. At kakalimutan na lahat nang memories dito sa condo na to.
Bago umalis na talaga, dinaanan ko muna bawat counter nang bahay na to. Inalala sa huling saglit lahat nang magaganda at masasakit na memories. Oo, may luha pa din kahit sobrang tagal na nun. Pero sisiguraduhin ko na ito na ang huling luha ko para sa taong nang-iwan at nanakit sakin noon. This will be fresh start. Thank you for everything.
"Goodbye." my last whisper before I close the door.
/AN: Hello guys, how was it? Hahaha. Sana po magusutuhan nyo to. I'll try my best para mas mapaganda at matangkilik kayo dito. Yung sa characters naman. Try ko ipakita sainyo siguro sa Chapter 5 nang story. VOTE PO SANA KAYO. THANK YOU.

BINABASA MO ANG
Suddenly
RomancePrologue Life is like a roller coaster, it has an ups and down. But it's up to you if you will enjoy it or not. Mahirap nga naman daw ang buhay, totoo naman to eh. Maraming pag-subok, mga challenges. Pero meron din naman saya at kilig sa buhay. Mo...