Adrian's P.O.V.
"Ano, nahanap mo ba insan?" Tanong ni Miko, pinsan ko. Nandito na ako ngayon sa unit ko.
"Oo." Sabi ko sabay upo sa katabing sofa nya. Pinatong ko ang paa ko sa center table at pumikit.
"Nag bar ka nanaman ba?"
Hindi ko sya pinansin at nilingon lang ang ulo ko sa kabilang gilid nang nakapikit pa din.
"Insan. Hindi na pwedeng ganyan ka. Tama na. Mamaya mag kasakit ka kakainom mo, kakapuyat at isip mo na kung ano ano."
"Much better."
"Tae. Much better? Nasaan na ba yung dating Adrian?"
Dumilat ako at tumingin sa kanya.
"Wala na. Wala na ang dating Adrian simula nawala si Liza."
"So you're saying na magbabago ka na? Iibahin mo na ang sarili mo dahil may nawala lang? Dapat nga mas maging maayos ka dahil wala na sya."
"Hindi ko kaya! Can't you see?! Hindi ko kaya. Hindi ko pa tanggap! Masakit pa din dito oh!" Sabi ko habang nakaturo sa may dibdib ko.
"Alam ko masakit. 3 taon na nga ang nakalipas pero nandyan ka pa din. Na stuck ka na. Hindi mo tinutulungan sarili mo. Marami pang nagmamahal sayo insan. Hindi lang si Liza ang kayang mag-mahal nang ganun sayo."
"Wala akong pakielam. Hindi naman sila si Liza! " Sabi ako tumayo na papunta nang kwarto ko.
Ni-lock ko ang pinto at nagmukmok. Hirap na hirap na ko. Ayaw ko nang ganto. Pero hindi ko rin naman magawang tulungan ang sarili ko.
Kahit ano kasing gawin ko, meron at meron pa rin nagpapaalala kay Liza kaya nahihirapan ako.
"Insan, labas muna ko ah? Text ka nalang kung may kailangan ka."
Hindi na ko sumagot sa sinabi nya, intindi na din naman na nya yun.
Sa magpi-pinsan. Sya lang ang pinaka close ko. Yung iba din naman kasi nasa ibang bansa na. At kahit ginaganyan ganyan ko yan. Natatagalan naman nya ang ugali ko.
Kinuha ko yung dog tag sa may side table nang kwarto ko. Napaka importante sakin nito. Bigay nya kasi sakin to. Naka sulat dito ang pangalan ko kasama nung date kung kailan nya ko sinagot.
Unang regalo nya to sakin at ito rin ang naging simbolo simula naging kami. Kaya nung nawala to. Inis na inis ako. Pakiramdam ko ba hindi ko sya pinapahalagahan. Pakiramdam ko mababaliwala lang ang lahat kung mawawala lang to nang ganun ganun.
May tumulo nanaman na luha sa mga mata ko, hawak hawak ko lang ito nang mahigpit, habang iniisip sya. Inaalala lahat lahat.
Minsan pag namimiss ko sya, kukuha ako nang papel tapos susulatan ko sya nang letter. Tatabi ko lang yun sa isang box. Box kung nasan nandun lahat nang memories namin noon nung magkasama pa kami. Hindi ko na mabilang kung ilang letter na ba nagawa ko para sa kanya.
Tinatanong ko tuloy sa sarili ko. Hanggang kailan kaya ako makukulong sa alaala nya? Sa pagmamahal nya? Kahit sya na mismo nagsabi noon na pinapalaya nya na ko. Para parin akong ibon na pilit pinalipad pero may nakatali na bato sa may paa nito.
Sana, sana matulungan ko na ang sarili ko na palayain sya.
Sana..
/AN: Hello po, ma-drama po si Adrian ngayon eh. Hahaha. So, dun sa sinabi ko na cast nito. Sasabihin ko nalang po pag lumabas na po lahat nang cast. Kaya ngayon, sariling imahinasyon nyo po muna ah? VOTE kayo guys. Thank youuuuu.

BINABASA MO ANG
Suddenly
RomancePrologue Life is like a roller coaster, it has an ups and down. But it's up to you if you will enjoy it or not. Mahirap nga naman daw ang buhay, totoo naman to eh. Maraming pag-subok, mga challenges. Pero meron din naman saya at kilig sa buhay. Mo...