Chapter 5: Ice cream

59 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isang park, hindi ko din alam kung bakit ba dito ako dinala nang sasakyan ko. Pwede naman mall para mag-shopping o nuod nang sine. Pero dito ako napunta.

Siguro dahil gusto ko magmuni-muni. Mahilig kasi ako nature. Mapuno dito at may ilog. Sariwa dina ng hangin. Tapos mahilig din ako sa mga bata. Ang dami dito mga nag-lalaro.

*ting ting* *ting ting*

"Ice cream."

At isa pa pala, masarap ang ice cream dito. Yung dirty ice cream. Lalo na pag nasa tinapay. O kaya apa. Basta masarap sya.

"Kuya! Kuya! Ice cream!"

Napalingon naman na si Manong.

"Oh ija, ikaw pala. Ano sayo?"

"Cheese po Manong, tapos pahaluan nang Mangga. Sa may tinapay po." Naku nae-excite ako, ang tagal ko na din pala hindi nakain nito.

Inaayos na ni Manong yung ice cream ko. "Bakit ikaw lang? Nasan yung boyfriends mo? O baka naman fiancē mo na? Hehe."

Bigla naman ako napa tahimik at napatingin sya sakin.

"May nasabi ba akong mali?"

"Aah, wala na po kami eh."

Napatingin naman sya sakin na parang nagulat.

"Aah pasensya ka na ija, akala ko kasi fiancē na kayo dahil matagal na din naging kayo. At hindi na kayo napadalas dito hindi tulad noon."

"Oo nga po eh, after 3 years. Ngayon lang po ko ulit napadaan dito."

Binigay na nya sakin yung ice cream ko at nag bayad na ko.

"Salamt ija, sumaya ka sana dyan sa tinda ko na ice cream."

"Salamat po Manong."

Nakakamiss naman yun, laging ganun ang huling line ni manong sa mga bumubili sa kanya "Sana maging masaya ka dyan sa tinda ko na ice cream."

Tinanong ko sya dati kung bakit. Mahilig daw kasi sya sa ice cream at masaya sya pag nakakakain sya nito. Kaya gusto nya I-share sa iba yun. Ang kulit no? Pero ang cute.

Susubo na sana ako nung nabili kong ice cream..

*boogsh*

"Aray!"

"Ano ba yan Miss, nakaharang ka kasi."

Aba loko to ah, nasa gilid na kaya ako.

*ehem* *ehem*

"Ano ba yab okay ka lang ba?"

*pak* *pak*

"Hm."

*pshhhhh*

"Ayy sh*t!"


*cough* *cough*

"Ang salaula mo naman, kadiri!" Sigaw nya sakin habang pinupunsana yung damit nya.

Nung tinamaan nya kasi ako napasok sa bunganga ko yung kalahay nung tinapay na may ice crea. Umabot na sa lalalmunan ko. Aba syempre mabubulunan ako. Tapos ang ginawa pinagpapalo ako nang malakas sa likod ko.

"Wow ah, thank you sa pagiging gentleman Sir. Sino ang hindi magagawa yun eh kung maka hampas ka likod ko akala mo lalaki ako sa sobrang lakas."

"Kasalanan ko pa? Buti nga tinulungan pa kita. Kesa nabulunan ka nang tuluyan na."

"Salamat ah! Mabuhay ka!"

"Bahala ka ngaa! Panira nang araw!"

Ayun sabay layas, may mga nakatingin. Yung iba naman natatawa samin. Aish. Wala na tuloy akong ice cream. Kainis.

Bumalik na ko sa parking at punasok na sa kotche. Uuwi nalang ako at magmu-movie marathon mag-isa. Dadaan nalang ako sa convinience store para bumili nang kutkutin.

--

Condo

Nakauwi na ko at nakapag-ayos nang katawan. Naglinis linis din muna ko konti sa bahay. Nakapili na din ako nang panunuorin.

The Faults in our Stars

Kinuha ko na yung mga pagkain syaka yung remote.

Kahit paulit ulit ko na napanuod to, ang ganda ganda pa din nya. Si August kasi ang pogi eh. Hahaha. Syaka makikita mo na mahal na mahal nya si Hazel Grace.

May ganto pa bang lalaki? Sana meron pa. Hahaha.

Nae-enjoy ko ang panunuod. Dito nalang ata ako kinikilig eh. Hahaha.

Nandito ako sa part na inaaya nya si Hazel Gracr manuod nang sine. Kinikilig talaga ako dito eh.

"Hihihi."

*tok* *tok*

Aish, panira naman yun. Sino kaya yun?

Pinause ko muna at lumapit sa may pinto.


"Sino yan?"

"Neighbor."

Hmm, bakit kaya? Binuksan ko ang pinto.


"Bakit--"

"Ikaw?!"

"Ikaw?!"


/AN: Hello po, please share this story to your friends and please support this. Anticipate this please. Hahaha. Thank you.

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon