Chapter 11: Confused

19 1 0
                                    

Adrian's P.O.V.

Almost 11 PM na at hindi pa din ako makatulog. Bakit ganun? Ang gara, imposible naman na gusto ko agad si Lara diba? Yung first meeting pa nga namin ang gara eh. Tapos bigla akong ganto.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at kumuha nang papel at ballpen syaka umupo.

Ganto ako tuwing hindi ako mapakali o ano, gumagawa ako nang letter. Letter para kay Liza.

Liza,
Hello baby ko. IMISSYOUSOMUCH. Alam mo, weird day ngayon. May bago akong kapit bahay. And ewan ko ba. Im sorry. Pero, kanina nung magkasama kami dito sa unit ko. Masaya ako.

Maybe because I see her as you? Nagpe-painting din sya. Then yung suot mo pag nagpe-painting ka noon. Ganun din sya. She also likes spaghetti meatballs and chopsticks din gamit nya everytime na noodles daw ang pagkain.

1 araw palang pero ang dami ko nang nakita na similarities nyo. Imissyousomuch. Sana hindi ka magalit sakin. Iloveyou, baby ko.

Pag katapos ay tinupi ko at kinuha ang isang box. Dun ko tinatago lahat lahat nang memories ko sa kanya.

Humiga na ulit ako at pumikit. Mas feeling okay ako ngayon. Atleast kahit thru letter nalabas ko yung nararamdaman ko ngayon.

Lara's P.O.V.

Late na at nandito ngayon si Trisha, sakto naman at hindi pa ako makatulog kaya nagku-kwentuham muna kami.

"Anong meron at napapunta ka ata ngayon dito?" Tanong ko

"Eto naman. Sorry na."

"Pigilan mo ng ayang sarili mo. Kababae mong tao parang nakatira ka na sa bar." Sabi ko habang kumukuha nang chips sa isang cabinet ko.

"Nabobored kasi ako nung mga nakaraan na araw. Ayaw ko sa mall o kahit saan. Kaya dun ako pumupunta."

Bumalik na ko sa sala at inayos ang movie na papanuorin namin.

"Himala at nag-paint ka pala ngayon?"

Tumingin ako kay Trisha. Nakatayo pala sya at nakatingin sa painting ko na sinabit sa isang wall kung nasaan nandun din yung iba kong paintings.

"Anong meron at nag-paint ka?" Bumalik na sya sa pagkakaupo.

"Hey. Alam mo, pumunta dito yung kapitbahay ko na walang modo. Yung lalaki na sinasabi ko sayo. Remember?" Sabi ko sa kanya.

"Yes. Bakit ano meron?"

"Weird super. Makikinuod daw sya kaya pumayag nalang ako. Tinanong ko pangalan pangalan nya then bigla syang nawala."

"Ha? Bakit makikinuod wala ba syang t.v. o wifi?"

"Sira daw. Ang gulo diba? Tapos eto, nakita nya kong umiiyak kanina tapos hinika nya ko papasok sa unit nya."

"OMG. Nakapasok ka na sa unit nya?! Ano itchura? Nakapasok ka sa unit nang isang yum yum white!" Kinikilig pa na pangipis na boses.

"Walang dapat ikakilig dun Trisha. Okay? Tumigil ka nga, so ayun nga. Tapos pinagluto nya ko."

"Pinagluto?!"

Tumango naman ako.


"Bakit ano meron ah? Teka, baka naman sign na yan? Yes! Yyiiee!!"

-___-


"Anong sign pinagsasabi mo dyan?"


Tumabi sya sakin at umayos nang upo.


"Look Lara my bestfriend, 3 taon ka na nakakulong sa presensya ni Patrick. Okay na sya at ikaw hindi pa. Ngayon, you decided to move on kahit mahirap parin sayo. Hindi ba obvious? Si Destiny na ang tumutulong sayo!" Napakasayang sabi ni Trisha.

- Trisha

- Ako

"Seryoso? Sa kanya mo pa talaga naisip yan, Trisha?"

"Eh kanino mo gusto kong isipin? Sya lang naman ngayon ang lalaki na kinuwento mo sakin after 3 years eh. Isa sa mga nireto ko wala naman diba? Isa pa," dinikit nya ang braso nya sa braso ko. "Bagay naman kayo eh." At kinilig kilig ulit.

Tinulak ko naman sya.

"Aray!"

"Tumigil ka nga Trisha, mamaya may girlfriend yun." Sabi ko at kinuha ang remote.

"Pano kung wala? Ready ka na buksan ulit yang puso mo?"

Ano ba to? Nagku-kwento lang ako pero ang lakas nang tibok nang puso ko? Bakit?


"Alam ko naman kung bakit mo sya na-kwento sakin eh. Kasi nagluto sya, right?" Biglang sabi ni Trisha habang kumakain nang chichirya.


"Alam kong malakas ang impact sayo pag pinagluto ka nang lalaki. Kasi feeling mo secured ka, feeling mo maaalagaan ka nya nang tama. Hayyy nako Lara, kung hindi pa kita kilala."


Yes. Maybe kaya ako ganto? Ewan ko, pero once na pinagluto ako nang lalaki, iba talaga ang dating sakin.

Pero no, hindi pwedeng yun lang yung reason kaya ko sya naiisip isip. Hindi pwede na dahil masarap lang sya magluto at sa dagdag na looks nya.


Oo na, gwapo sya. Nasa itchura rin nya ang gusto ko sa isang lalaki.


Inhale, exhale. I know, ibibigay sakin ni Destiny ang right guy.


I just need a sign.


/AN: Hello, hello. Thank you sa mga nagbabasa po. Comment po kayo guys. Hahaha. Thank you ulit.

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon