Nandito na ako ngayon sa bago kong condo, kasing laki din nung dati ko. Pero eto. Mas better, mas masarap sa feeling.
*tok* *tok*
Sino naman kaya to?
*eecckk*
"Laraaaaa!"
"Oh Trish? Napadaan ka?"
Dumiretcho naman sya papasok at umupo dito sa sofa ko.
"Duh, hindi ako napadaan nu. Were neighbors na."
"Agad agad?"
Parang buntot ko talaga to, kung nasaan ako dun din sya. Kahit nung high school pa lang kami. Kung saan akong club dun din sya. Well, childhood friends kasi kaya ganto. Parents palang naman magbe-best friend na. Kaya ganun na din ang nangyari samin.
"Oo, ayaw mo? Hahaha. Dun lang ako sa kitchen mo ah." Sabi nya.
Hinayaan ko nalang sya at inayos muna ang gamit ko dito sa kwarto.
"Lara, may naiwan ka nga pala dun sa condo mo."
"Ha? Wala akong nakalimutan. Dinoble check ko yun eh."
Sumunod na din sya dito sa kwarto ko.
"Are you sure? Eto oh, yung box na--"
"Bakit mo pa dinala yan Trisha?! Iniwan ko talaga yan."
"Ayy! Sorry.. Hehe." Ayun sabay takbo palabas sa kwarto ko.
Aish! Umalis nga ko at iniwan dun lahat lahat nang memories. Eto namang kaibigan ko binalik balik oa to sakin.
Psh. Isang box lang naman to. Katamtaman lang yung laki. Pero once na buksan ko to. Alam ko, masasaktan nanaman ako. Nandito kasi lahat nang memories ko na nakasama ko sya.
Kinuha ko yung box at nilapag sa kama ko. Ayaw ko na to buksan o mahawakan man lang. Pero eto nanaman ako, gusto ko ulit tingnan lahat lahat nang laman nito.
Binuksan ko ng box. Letters, mga 1st namin nandito din. 1st resibo nang kinainan namin. 1st ticket nung nanuod kami nang sine. Mini teddy bear na kinuha pa nya dun sa laruan sa arcade. Lahat. At eto, necklace. I used to wear this everyday kahit nung wala na kami. Gusto ko lang ma-feel yung presence nya kaya sinusuot ko pa din. But the more I see and wear this. Mas lalo lang ako nasasaktan.
"Lara.."
Pinunasan ko ang luha ko nung dumating si Trisha.
Tumabi sya sakin.
Tinapik nya ko sa balikat ko. "Hey, sorry. Hindi ko alam kung ano ba naisip ko at dinala ko pa yan. Im so sorry."
"No, okay lang."
"I promise. Hindi na ko magiging bangag pa pagdating sa ganto. Ayaw ko maging reason nang pag-iyak mo. Bestfriend kita pero isa pa ko sa patuloy na nagpapaiyak sayo. Magiging aware and careful na ko next time. Sorry." Then she hugged me. I feel more comfortable now. Thanks to my bestfriend.
--
KinabukasanMedyo late na din umalis dito sa condo ko si Trisha, nakatulog na nga ko sya nandito pa. Okay lang din naman kasi magka kapitbahay naman kami.
*ding dong*
6am? Ang aga naman ni Trisha kung sya yun.
"Yes?"
Isang lalaki ngayon ang nakatayo sa harap ko, ang baho nya. Amoy pinaghalong alak, sigarilyo at usok.
"Tabi."
0_0
Ayun at nagde-deretcho papunta sa kwarto ko.
"Excuse me po Sir. Pero hindi mo to condo--"
Bigla syang humarap sakin at sobrang lapit lang nang mga mukha namin. Konting galaw ko lang. At. Ayun na nga.
"Quite." Tapos tinakpan nya yung labi ko gamit ang isa nyang daliri.
Tumalikod na ulit sya at naglakad ulit papunta nang kwarto ko.
"Excuse me Sir. Hindi mo nga to condo. Lasing ka." Tuluyan na syang humiga sa kama ko.
"Hoy! Sir!"
"Gising!"
Aish! Kainis! Umagang umaga tapos ganto. Lumabas ako at pumunta sa condo ni Trisha.
"Hmm, bakit ba Lara? Ang aga pa." Sabi nya habang naghihigab pa.
"Tara sumama ka sakin, may pumasok sa kwarto ko. Tingnan mo lang dali."
Nagkukusot pa sya nang mata nya dahil kagigising nga lang nya.
"Tingnan mo daliiiii."
"Hmm."
0_0 <- reaksyon ni Trisha.
"Lara! Lara! Tingnan mo oh. Ang gwapo naman pala nung nagkamali pumasok sa kwarto mo. Ano pa inaarte mo dyan? Yum yum white sya."
"Ha? Yum yum white? Pinagsasabi mo?"
"Hahaha, yum yum white. Means. Pogi na macho na maputi. Yum."
"Aray!" Ayan at binatukan ko nga.
"Ano ba yan at kaka-stay mo sa bar ah? Trish ni hindi ko nga kilala yan eh. Tara tulungan mo ko."
"Anong gagawin mo?"
"Natin! Bubuhatin to."
"San mo naman dadalhin? Sa sala? Hayaan mo na dyan."
"Hindi! Sa labas, dun sya matulog. Bahala sya sa buhay nya."
"Eto wala kang puso nu! Sayo kaya gawin yun ah? Iwanan mag-isa na mukhang kawawa sa labas. Ano mafi-feel mo ah?"
...
"Naramdaman ko na yun at ayaw ko na maulit pa. Tara na."
"Sorrs."
Tinulungan din ako ni Trisha na buhatin tong lalaking to.
"A-aray ko teka naipit yung buhok ko."
"Ibaba mo na kasi, hayaan mo na."
"P-pero."
Boogsh
Tumabi sakin si Trisha at sabay namin tinitigan yung lalaki na nakahiga na ngayon sa labas at sahig at gilid nang pinto ko.
"Hindi ba parang ang sama natin?"
"Well, mali sya nang tinuluyan eh. Sorry." Sabi ko sabay pasok.
"Lock mo yang pinto kung papasok ka ah."
Dumiretcho ako sa kusina para mag-luto nang agahan.
"Dito ka ba kakain?" Tanong ko kay Trisha.
"Aah hindi, kakain ako sa labas with Aldrin."
"Aldrin?"
"Aah nga pala, na-meet ko yun sa bar. Hahaha. You know. Knowing each other level."
Naka poker face lang ako sa kanya.
"Oo na sige na, hayaan mo na ko. Masaya naman ako dito eh."
"Bahala ka."
"Labas na ko Lara ah? Byeeeee."
"Ingat."
Hmm, ano naman kaya gagawin ko mamaya? Aha. Lalabas nalang ako.mag-isa. Yeah. Bonding with myself.
/AN: Sana po magustuhan nyo, thank you.

BINABASA MO ANG
Suddenly
RomantizmPrologue Life is like a roller coaster, it has an ups and down. But it's up to you if you will enjoy it or not. Mahirap nga naman daw ang buhay, totoo naman to eh. Maraming pag-subok, mga challenges. Pero meron din naman saya at kilig sa buhay. Mo...