Chapter 15: Comparing

16 0 0
                                    

Lara's P.O.V.

Ngayon ang araw nang aking pinsan. Pinili nalang nina tita na dito ganapin sa bahay nila sa Pinas. Salo salo lang naman din to.

"Nga pala. Lara, na-meet mo ba si Adrian?"

*dug* *dug*

Bakit ganun. Narinig ko lang pangalan nya ang bilis agad nang tibok nang puso ko? Nga pala, Adrian din pala pangalan nang boyfriend ni Liza.

"Hindi po eh." Sagot ko.

"Na-contact mo ba sya?" Tanong ni tita kay Tito.

"Oo. Pupunta daw sya."

Weird. Bakit ang bilis nang tibok nang puso ko? Dahil narinig ko lang yung kapangalan nya? Aish!

*ding dong*

"Ako na po tita." Sabi ko syaka pumunta na sa may pinto.

"Sino yan?" Tanong ko mula sa labas.

"Sino ba ang pinaka gwapo mong Kuya?"

Agad ko naman binuksan ang pintuan.

"Kuyaaaaaa!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya.

"Lara! Kamusta na ang bunso ko dito ah?" Sabi nya habang yakap yakap din ako.

Kumalas na ako sa pagkakayakap pero hawak ko pa din ang kamay nya. "Pretty as always. May bago ba Kuya? Haha!" Sagot ko sa kanya.

Mahina naman nyang tinapik ang noo ko. "Wala talagang bago. Ang hangin mo pa din!" Pagkatapos ay hinalikan nya ko sa noo ko.

"Zack iho." Sabi ni tita na ka-close din nya.

"Dito lang ako sa labas Kuya ah? Hintayin ko lang po si Trisha."

Sabi ko sa kanila at tumango nalang sila bilang sagot.

Nandito ako sa may garden nila. Ang tagal ko na din pala hindi nakapunta dito. Wala parin tong pinagbago. Buhay parin sa alaala ko yung mga memories namin ni Liza dito.

*ding dong*

May nag door bell. Baka si Trisha na yan.

Binilisan ko ang lakad ko patungo sa may gate.

"Trisha?" Sigaw ko.

"Yes, Lara." Sagot nya. Binuksan ko agad ang gate at...

"Adrian?"

"Hey, Lara..."

Biglang may nagsalita nang.

"Adrian! Its nice to see you again."

Biglang lumabas si tita at sinalubong ng yakap si Adrian..

"Hehe. Hello po tito, tita. Kamusta po?"

Wait...

"Adrian! Bro! Kamusta na? Haha." masayang bungad naman ng kuya ko sa kanya

What?...

"Lara.." Bulong sakin ni Trisha na nasa likod ko.

Bigla naman dumikit sakin si Tita at hinawakan ako sa may braso.

"Lara, this is Adrian. Adrian, Lara." Pagpapakilala sakin ni Tita.

"Hello, Lara." Sabi nya with his very charming smile.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SuddenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon