"Ningning na tinangay ng hangin"
'Eto na naman ako
Bumabalik sa dating ako.
Laging gustong mapag-isa,
Tila'y wala nang karapatang sumayaNakalimutan ko na yatang lumamon
Nagiging mapagbigay na naman ako
Nawawalan na 'ko ng ganang bumangon,
Gusto ko ng ilugmok ang sarili ko.Ano bang nangyayari sakin?
Nasan na ang dating sigla?
Nilamon na ba ng kawalan ng tiwala sa sarili?
O baka nama'y tinangay na ng hangin ang aking mga tala?Hindi na ako natutuwa
Hindi na ako masaya
Wala na ang dating tinitingala,
Nawalan na ng ningning ang aking mga mata. #
BINABASA MO ANG
Poetries Compilation
PoetryTo those who feel love, having darkest moments, who wants to chase their dreams, seeking an inspiration and looking for hopes, this is all dedicated to you, sweetie. Language: English and Tagalog