"Daang marupok"
Marupok. Sira-sira. Lubak-lubak.
Daang araw-araw kong pilit na tinatahak.
Mga paang kinalyo ng hirap,
Pilit inaasam ang daang madaling tapakan."Pagod na ako." Ang laging sambit.
"Hirap na hirap na ako." Sa labi'y nakaukit.
Paano ka makakausad?
Kung hihinto ka sa iyong paglalakad?"Walang madaling daan."
'Yan ang iyong pakakatandaan.
Lahat dumadaan sa hirap.
Magpatuloy lang at magsumikap,
Tutungo ka rin sa daang iyong inaasam.#
BINABASA MO ANG
Poetries Compilation
PoetryTo those who feel love, having darkest moments, who wants to chase their dreams, seeking an inspiration and looking for hopes, this is all dedicated to you, sweetie. Language: English and Tagalog