Poetry: 22

8 0 0
                                    

"DESTINASYON"


Nasaaan na ang landas na aking tinatahak?
Bakit narito ako sa mundong mapahamak?
Mapanganib. Masukal. Mahirap.
Mga daang mistulang tinik sa aking talampakan.


"Sige kahit matinik, susugal ako."
"Kahit mahirap, gagawin ko."
Mga linyang paikot-ikot sa sistema ko,
Motibasyon upang habulin ang nasimulan ko.

At heto, patuloy na bumabiyahe,
Kahit may mga oras na mistulang diyahe.
Hindi pa rito natatapos ang aking paglalakbay,
Balang araw, makakarating din ako sa aking destinasyon.#

Poetries CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon