"Tara bibiling coke" tumango ako kay Ishi ng sabihin niya 'yon. Kanina pa kase ako naghahanap ng pwedeng mainom, pero 'yung may lasa sana. Puro tubig kase.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa blanket at sinundan ang pinsan kong pumunta sa tindahan. Andito kami sa sementeryo dinadalaw lolo at lola namin. Dito pa nga lang kami sa isang sementeryo, mamayang alas tres na lang daw sa kabila.
In short, almost two hours na kami dito. Nakalimutan ko pa nga magpaload, wala tuloy akong magawa.
"Ano ngang sim mo?" napatigil ako sa pagkuha ng pera sa wallet nang magtanong si Ishi.
"Globe, why?" sinundan ko ng tingin ang tinuro niya kaya napangiti ako.
"Ate, paload na nga din po" binigay ko 'yung number ko sabay nagbayad na rin. Hindi kami umalis hangga't hindi ko pa narereceive at nareregister. Baka kase wala akong matanggap sayang pera.
"Salamat po" sabi ko nang mareceive ko na. Nauna na rin akong maglakad.
Pinindot ko kaagad 'yung instagram kase alam kong may nareceive akong message. Instinct.
Shawn : hey take care
2:46 pm
Keilah : slr ngayon lang nakapagload hehehe
Keilah : andito na nga pala kami kanina pa palipat na sa kabila
Shawn : really? okay still take care
Shawn : I'm with my friends, were at a coffee shop
Keilah : okie? mamaya na tayo mag-usap bonding muna kayo byee
Pinatay ko na data ko sabay tago ng phone sa bag ko. Tumingin ako sa katabi ko, which is si Ishi, kase kinulbit niya ako.
"Nag-uusap ba ulit kayo ni Mikho?" napakunot noo ko at umiling na akala mo wala ng bukas.
'Di ko nga siya nireplyan kagabi, eh. Susko.
"Bakit ko naman kakausapin 'yon, ha?" tanong ko at umupo ulit sa blanket.
"Kase nagreply sa story ko na 'yung magkasama tayo. Ang sabi, kung gusto daw natin maghang out" tinignan ko si Ishi habang kunot na kunot ang noo ko.
Like, pota? Ano bang gusto ng lalaking 'yon? Hindi pa ba sapat na sineen ko siya kagabi?
Hangga't maaari, ayoko ulit mainvolve sa lalaking 'yon. Kahit maka-usap lang ulit, ayoko. After ng ginawa niya, aba siya.
"Seen mo na lang din. 'Wag mo na lang pansinin ang papansin" sabi ko at nilock phone niya.
"Sama naman ng ugali nito. Malay mo naman gusto ka lang makasama" pagtatanggol niya.
"Sorry not sorry. Hindi ko siya gustong makasama" sabi ko sabay irap. Aba naman, bakit ko gugustuhin na makasama ang lalaking 'yon?
Wala naman akong hard feelings towards him, slight lang. Naaalala ko lang talaga ginawa niya dati kapag nakikita ko mukha niya. Baka masampal ko lang.
So days past by, wala namang special na nangyari sa mga araw ko dito ulit sa Laguna. Kase kung hindi ako manonood ng anime or kdrama or kung ano man, nanggugulo si Kuya Kai. Hindi na mabibilang sa daliri ko sa kamay kung ilang beses niya akong ginambala. Kahit sa pagtulog, kahit madaling araw.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door || ✓
Teen FictionFOOL SERIES #1 KEILAH REIGN BAUTISTA PEREZ. Kei for short. The youngest in the friend group. She's an outgoing person that many people want to be friends with because of her personality. But behind the smile she is showing, she hides the sadness and...