"Wala akong pasok today" sabi ko at umupo sa may dining table. Nakain na kami ng breakfast bago umalis ng bahay. I mean, sila Rae at Shawn.
After ng nangyare last time, mas kinontrol ko ang sarili ko. Inalis ko rin sa isipan ko 'yung pangprepresure sa 'kin ng pamilya ko tungkol sa anak.
Hindi na rin kase nila ako tinantanan sa gc namin after nilang malaman na may jowa ako. Naka-abot na nga kila Tita Ai 'yung balita. Ako 'yung mababaliw, sa totoo lang.
Dito na laging nag-uumagahan si Shawn kase sabi ko. Maaga rin naman akong nagigising gawa ng pinaghahanda ko si Rae kaya sinasabay ko na rin siya.
"E'di ihahatid mo na lang ako, Ate?" tumango ako bilang sagot sa tanong ni Rae. Wala naman akong planong gawin ngayong araw, maggrocery lang.
Nauubusan na rin kase. Kahit pangmeryenda, wala na. Kaya need ko na ulit magrestock dito.
"Tapos starting tomorrow, iba na schedule ko. Hindi na siya after lunch, umaga na" nakipagpalit kase sa 'kin ng schedule 'yung isang doctor gawa ng family niya.
What if may family na rin ako? Gagawin ko din ba 'yon? Malamang if need ko gawin.
"Kaya hindi mo na ako ihahatid" sabi ko kay Shawn sabay ngiti ng nakaka-asar. Bumuntong hininga naman siya.
Oras ng trabaho niya 'yon, eh. Kaya lang naman niya ako nahahatid kase lunch break niya 'yon.
"Fine" tipid niyang sagot kaya natawa ako. Wala na rin siyang magagawa, eh.
Nang matapos na kaming kumain, niligpit ko na ang pinagkainan namin habang nag-aayos pa si Rae. Umuna na kase si Shawn kase may naghahanap daw sa kanya.
"Let's go?" tanong ko nang makitang lumabas na sa kwarto si Rae. Tumango siya kaya bumaba na kami sa parking para mahatid ko siya.
Habang nasa byahe, napapansin ko na kanina pa niya hinahampas ang phone niya. Lagi ko na lang nakikita na ginaganan niya phone niya. Siguro ayaw gumana ng ayos.
Nang maihatid ko na siya, naghiwalay na kami ng landas. Syempre papasok na siya. Ako mamimili na kaya pumunta na ako ng mall. Pero bumili muna ako ng phone para kay Rae bago gawin 'yon.
Mabuti na lang nakuha ko na sweldo ko noong isang araw. Dami ko na ring naiipon. Feeling ko ready na ako sa mga bagay bagay.
"Si Lucas ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko nang may makitang familiar na lalaki. Nakahard hat siya habang may tinitignan sa blueprint na hawak niya.
Nang makumpirma ko na siya nga, sinaraduhan ko na ang pinto ng kotse ko kase nilagay ko yung pinamili ko sa loob. Naglakad ako papalapit sa kanya at agad siyang binatukan.
"Kupal! Sino 'yon?!" sigaw niya sabay tingin sa likod. May patago tago pa nga ako pero nakita niya rin ako.
"Kupal ka rin" pangbabawi ko sa kanya bago umayos ng tayo. Nakitingin ako sa blueprint niya pero umiwas din kase wala akong maintindihan kahit isa, promise.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nakatingin ulit sa hawak niya.
"Siguro para magbuhat ng hollow blocks" sarcastic kong sagot bago umirap. Hay nako, Lucas. Tanda mo na.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door || ✓
Novela JuvenilFOOL SERIES #1 KEILAH REIGN BAUTISTA PEREZ. Kei for short. The youngest in the friend group. She's an outgoing person that many people want to be friends with because of her personality. But behind the smile she is showing, she hides the sadness and...