Nagising ako ng maramdamang may sinag ng araw sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nagulat sa nakita.
Hindi ko 'to kwarto! Sa pag kakatanda ko, white at rose gold ang color namakikita sa kwarto ko pagkamulat ng mata. Bakit gray, black at white na?!
Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Lalo lang akong nagulat ng matandaan kung sino siya.
"S-sino ka?!" tanong ko kahit kilala ko kung sino siya.
"Fuck. How many times you will ask me that question?" napatagilid ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Ngayon pa lang ako nag tanong, ah.
Galit agad, grabe. Bukod sa wala siyang modo, pikon rin pala. So, ano pa?
"When you arrived here, you keep on asking me that question. Every hour, you will wake me up just to ask that and what am I doing here" may halong irita sa boses niya habang sinasabi yon.
Ako? Gagawa non? Seryoso ba? No joke?
Nanlaki naman ang mata ko ng marealize ang sinabi niya. Shit! Ano pang katangahang ginawa ko kagabi?!
"Sorry!" sabi ko at pinag dikit ang dalwang palad.
"Go out. Eat your breakfast" sabi niya sabay talikod.
Pagkasara niya ng pinto, dali dali akong bumangon at pumasok sa cr para tignan ang sarili ko.
"Gago, may muta pa ko" naghilamos ako pagkasabi ko non. Nagmumog na rin ako.
Nang matapos, lumapit ako sa kamang tinulugan ko. Inayos ko 'yung hinigaan kase sobrang gulo. Dagdag mo pa na may nalaglag na unan.
Ano ba kaseng ginagawa ko dito?! Sa dami ng pwede kong magisingan, bakit dito?!
Kinuha ko ang cellphone ko nang mailagay ko na 'yung huling unan sa pwesto. Binuksan ko ang instagram ko para malaman kung ano na nangyari sa mga kaibigan ko, kaso wala niisa sa kanila ang online kaya tinago ko na lang 'yon sa bulsa ko.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Naabutan ko naman siya na nag-aayos ng pinggan sa lamesa.
"Masakit pa ulo mo?" napatingin ako sa kanya ng tanungin niya ko.
"Konti lang" sagot ko. Hindi na ako magsisinungaling dahil masakit talaga.
Inabot niya sakin 'yung crab soup at umupo na sa tapat ko. Tahimik lang kami habang nakain. Dahil hindi ako sanay ng tahimik, ako na nag-open ng topic.
"May pasok ka?"
"Yeah" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"A-anong ginagawa mo? Baka malate ka pa gawa ko!" natataranta kong saad. Kase naman, andito pa siya.
"Afternoon class" natigilan ako sa sinabi niya.
Buti naman. 9:19 pa lang naman eh. Ah, pag 'to nalate, kasalanan ko pa.
Tinignan ko siya ng matagal kase may gusto akong itanong sa kanya. Nang maramdaman niya 'yon, bigla siyang nagsalita.
"Why?"
"A-ano kase. A-anong nangyari kagabi?" alanganin kong tanong.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door || ✓
Novela JuvenilFOOL SERIES #1 KEILAH REIGN BAUTISTA PEREZ. Kei for short. The youngest in the friend group. She's an outgoing person that many people want to be friends with because of her personality. But behind the smile she is showing, she hides the sadness and...