"What do you mean by, you're accepting your Tita's offer?" bigla akong napatingin sakanya na may gulat sa mata. Agad naman akong umiwas nang marealize na narinig niya pala 'yon. Akala ko hindi!
"Ano..."
"It's fine. You don't have to tell me if you don't want to" tumayo siya para ayain na akong umalis. Na-enjoy ko na rin naman kahit sandaling oras lang. Wala din naman akong kasama magskate kaya ayos lang na umalis na kami. Magdidilim na rin naman.
Balak akong sabihin sa kanya pero mas mabuti na lang siguro na 'wag na. Baka kase problemahin niya pa 'yon, or masyado lang akong feeling sa part na 'yon.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pagkasakay naming dalawa. Agad akong nagseat belt para maka-alis na kami. Feeling ko lang kase may pupuntahan pa kami.
"Secret" sabi niya sabay ngisi. Hindi ko tuloy alam kung dapat akong matuwa dahil sa ginawa niya.
Kase 'di ba kadalasan sa movie ganon ang ginagawa ng killer pagtinanong siya ng biktima kung saan sila pupunta? Sorry na, kakanood ko 'to, eh. Tama ka na, Kei.
Nakarating kami sa isang drive-in movie theater. First time ko 'to ma-experience kaya para akong bata na nakikichismis habang nagbabayad siya. Pero bago kami pumunta dito, dumaan muna kami sa 7eleven.
Akala ko nga beer bibilhin niya or kahit anong alcohol pero ice cream at mga junk foods ang binili niya. Meron din palang hotdog. Hindi ko lang alam kung mauubos namin lahat 'to. Mabilis pa naman ako mabusog.
"Ano palabas?" excited na tanong ko sakanya. Nilabas ko rin phone ko para picture-an view ko para mastory.
"I don't know basta horror daw. That's why I bring you here" napatigil ako sa pagkuha ng picture dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin na nag-init ang pisnge ko. Ano ba, walang pasabi!
While waiting, nagpapic ako sakanya sa labas. Nakakatuwa nga kase may sense siya sa pagkuha ng litrato. Meron din akong pics sa loob ng kotse niya. At sobra talaga akong natutuwa sa mga kuha niya!
If pwede ko lang talagang ipost lahat kaso limited lang. Biruin mo 'yon, kahit 'di gaanong maayos mukha ko, ayos pa rin. Kaya sa huli, nabebet ko.
"Ang ganda mong kumuha ng pictures, bakit hindi ka nagpopost ng mukha mo sa ig?" tanong ko habang tinitignan pictures niya sa 'kin. Naalala ko nanaman noong nag-amusement park kami. Ang gaganda din non, eh.
Bigla naman akong natigilan nang may marealize. Baka kase sala na 'yung sabi ko. Baka nagpopost na siya ng mukha niya. Remember, 'di ako ganon ka-active sa social media!
"I don't feel like posting my face" sinearch ko agad ang account niya sa instagram kase hindi ako matutulugin ng konsensya ko nito.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang ganon pa rin naman ang post niya. Nagkatao naman at ayon 'yung picture namin noong nag-amusement park kami. Napangiti naman ako ng makita 'yon, pero agad ding nawala.
Alam kong hindi rin naman 'to matutuloy. Pang samantala lang naman 'to at sa iba siya mapupunta. Ganito pala magpalaya sa taong mahal mo. Pero grabe 'yung term kong magpalaya, ha? Akala mo naman kami or naging kami. Eh, wala nga kaming label.
"You know, you should delete our photos na. I mean, para pagdumating 'yung point na ikakasal ka na kay Ate Kendra, 'di ka nila pagkakamalan na may kabit" pilit akong tumawa bago binaba ang phone ko para tignan siya.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door || ✓
Ficção AdolescenteFOOL SERIES #1 KEILAH REIGN BAUTISTA PEREZ. Kei for short. The youngest in the friend group. She's an outgoing person that many people want to be friends with because of her personality. But behind the smile she is showing, she hides the sadness and...