twenty-two

31 7 5
                                    

"Kei?" matagal akong nakatitig sa mukha niya. Prinoprocess pa ng utak ko kung sino ang nasa unahan ko at kung bakit andito siya nasa unahan ko.





"Ooh... Ahh... Hi, S-shawn" banggit ko sa pangalan niya sabay iwas ng tingin.





Feel ko na ang awkward situation naming dalawa kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. Pero umiwas din ulit nang makitang nakatingin siya sa 'kin.





Pota, walang mangyayare sa 'ming matino nito kung ganito kaming dalawa. Titingin, iiwas. Or ako lang?





"By the way, ano ginagawa mo dito?" pagtatanong ko para bawas awkwardness kahit papaano. Pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya.





"Sabi ni Rae sa 'kin kahapon napundi daw 'yung ilaw sa isang cr. That's why I'm here to help. Is she here?" tanong niya sa 'kin habang tumitingin sa loob. Napatingin rin tuloy ako.





"Umalis na siya, may pasok pa kase. Ikaw ba 'yung mag-aayos?" tanong ko sa kanya kaya agad siyang tumango. Grabe, akala ko electrician 'yung pupunta hindi pala.





"Ganon ba? Ako na lang, kaya ko naman. Nasaan na lang 'yung bumbilya?" tanong ko sa kanya. Nakakahiya naman kase, maaabala pa siya.





Tinaas niya 'yung kaliwang kamay niya na may hawak ng box ng light bulb. Kukunin ko na sana 'yon kaso bigla niyang tinaas pa kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.





"Let me. Kung ano pa mangyare sa 'yo" sabi niya sakin at marahang ginulo ang buhok ko bago tuluyang pumasok. Naistatwa lang ako dito dahil sa ginawa niya.





Sinundan ko siya after ng ilang sandali papunta don sa cr na tinutukoy niya. At tama nga siya, pundi na, as in.





Kumuha lang siya ng isang upuan para tapakan kahit feel ko na abot na niya. Pinanood ko lang siya habang ginagawa 'yon, hawak ko din 'yung flashlight bilang liwanag.





Pansin ko na mas tumangkad siya kesa huling kita ko sa kanya. Tumangkad rin naman ako pero mas tumangkad pa siya. Parang wala tuloy nagbago sa height difference namin.





Mas naging halata muscle niya sa braso pero hindi 'yon sobrang laki. Mas nagmatured din itsura niya ngayon at halata mo sa mata niya na kulang siya sa tulog. Bigla tuloy ako nahiya.





"Kei, can you turn on the light?" lumapit ako sa switch ng ilaw at ginawa ang sinabi niya. Sabay naming tinignan 'yung ilaw namg bigla 'yon lumiwanag kaya pinatay ko na.





Nauna siyang lumabas kesa sakin kaya sinundan ko siya. Binalik na niya 'yung upuan na ginamit niya bago lumapit sa pinto kaya bigla ko siyang tinawag.





"Ano nagbreakfast ka na? Dito ka na kumain" napalunok ako pagkasabi ko non. Anong problema ko? Putangina.





Tumingin muna siya sa wall clock bago tumango. Umupo siya sa sofa kaya ako pumunta na sa kusina pagkakuha ko ng phone ko.





Nagsearch ako ng kung ano masarap na breakfast at kung anong meron dito. Muntik ko na nga siya maaya na sa labas na lang kumain kase kakaunti lang ng stock na food dito pero inisip ko na mag-Omelette. Makapaggrocery nga mamaya.





Mabuti na lang at mabilis lang makagawa ng omelette kaya inaya ko na agad siya. Mukhang nagmamadali rin naman siya at may pasok siguro. Ako kase next week pa.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon