"Oh, Kei!" nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nasa harapan ko.
What a small world!
"Ayos ka lang ba? Kung saan saan ka kase nakatingin" asar niya sakin at tinulungan akong tumayo.
Hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa dahil sa sinabi niya, o ano. Kaya ngumiti na lang ako, 'yung sorry na ngiti ganon.
Nang umayos ako ng tayo, natigilan ako kase may naramdaman akong mahapdi sa gilid ng tuhod ko. Ito nanaman ako, may panibagong sugat.
Lumuhod siya sa tapat ko at takang hawakan ang sugat ko sa gilid ng tuhod, pero agad akong umatras.
"Tanga ka, bakit mo hahawakan? Magka-inpeksyon pa" medyo inis na sabi ko.
"Grabe ka naman, anong akala mo sakin germs?" 'di makapaniwala niyang saad.
"Hindi naman sa ganon, pero alam kong kung saan saan ka humahawak, 'no" pagsagot ko sa kanya.
Mamimisunderstand pa.
"Ah, sorry naman" sabi niya habang nakangiti. Tumayo na rin siya.
"Kei, are you fine?" rinig kong sabi ni Shawn kaya napalingon ako sa likod.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang kaliwang kamay ko, iniiwasan ang parteng may sugat. Meron din pala don.
Sobrang gentle lang din ng pagkakahawak niya. Kita ko din ang pag-aalala sa mga mata niya.
Pagpinagpatuloy mo 'to Shawn, lalo akong mahuhulog sa'yo, tamo.
"Cr ka muna para mahugasan mo?" tanong niya kaya dahan dahan akong tumango. Bakit pala siya nagtatanong?
Sinamahan niya ako hanggang sa labas ng comfort room ng mga babae. Naiwan din naman si Mikho sa pwesto namin kanina. Nakawala na nga sa isip ko na andon nga pala siya.
Tumapat ako sa isang lababo at inunang hugasan ang kamay ko. Sinunod ko naman ang nasa gilid ng tuhod ko. Hindi na ako nahapdian, tutal sanay na ako.
Kumuha ako ng tissue sa bag ko para tuyuin ang sugat. Dampi dampi lang, ganon.
Nang matapos, tinapon ko na ang ginamit kong tissue. Tumingin rin ako sa salamin para makita ang sarili ko. Dahil magulo ang buhok ko, inayos ko na.
"Umayos ka na, Kei. Nakakahiya na pagnagkasugat ka nanaman" sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang mga baby hairs ko.
Ano ba 'yan, hindi na naubos baby hair ko. Parang hindi na nahaba, kasura.
Lumabas na ako nang matapos. Nagulat ako dahil gumalaw ang lalaki na naka-abang sa pinto. Mahina niya akong hinila pagilid kase nakaharang ako sa daan.
Lumuhod si Shawn sa harapan ko. Ginamot niya ang sugat sa gilid ng tuhod ko at sa kamay ko. Saan siya nakakuha ng gamot?
"Next time, tingin ka na sa dinadaanan mo, okay? 'Tyaka stop avoiding me, you're doing it again" sabi niya at binigyang diin 'yung again.
Hindi ko naman siya iniiwasan kanina. Ano lang sadyang... nataranta lang ako kase baka mukha akong tanga.
Kung iwasan ko man siya, hindi ko lang alam ang gagawin ko. It's either, may atraso ako sa'yo or naconscious lang or may ayaw akong mangyari.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door || ✓
Roman pour AdolescentsFOOL SERIES #1 KEILAH REIGN BAUTISTA PEREZ. Kei for short. The youngest in the friend group. She's an outgoing person that many people want to be friends with because of her personality. But behind the smile she is showing, she hides the sadness and...