"Hoy!" napatigil ako sa pagtawa ko nang biglang may bumatok sakin.
Tangina, naman. Kaya pala masakit, si Kuya Kai 'yung nangbatok.
"Pwede mo naman akong tawagin ng hindi mo ko binabatukan, ah!" sigaw ko sakanya sabay talon para mahampas ko din ang ulo niya. Kaso masyado siyang matangkad kaya mukha lang nahampas ko.
"Aray ko, ha? Kaya ayokong nagpapahampas sa nagvovolleyball. Para akong ginagawang bola" sabi niya at hinawakan 'yung parte kung saan ko siya hinampas. Or sampal ang tawag dapat don?
"Kei, una na ako, ha?" napatingin ako sa gilid ko nang magsalita si Jade.
"Ha? Sandali, sabay na tayo!" lumapit ako sa kanya at sinabit ang braso ko sa braso niya.
"Gaga, may pupuntahan ata kayo ng Kuya mo" tumingin siya kay Kuya Kai kaya tumingin rin ako sakanya para intayin ang sagot niya. Nang tumango siya bumuntong hininga na lang ako at bumitaw sakanya.
"Hatid ka na lang namin. Pwede naman, 'di ba?" tanong ko kay Kuya kaya tumango siya. Ngumiti ako ng malapad bago tumingin kay Jade para intayin ang sagot niya.
"No need. May pupuntahan pa ko" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tinignan niya ako sa mata at parang may sinasabi. Napatango tango na lang ako ng may maunawaan .
Tumalikod na siya para umalis. Kinaway niya din 'yung kamay niya kaya kumaway ako pabalik kahit alam kong hindi niya ako kita. Nakatalikod na kase siya.
"Wait, lang Kuya" pinahawak ko sakanya 'yung bitbit kong bag at pasimpleng sinundad si Jade palabas ng campus. Bumalik lang ako kay Kuya nang makita ko na siyang sumakay ng jeep.
"Saan nga pala tayo pupunta? At mukhang inaantay mo ko" I mean, 'di na bago sakin na antayin ako ng Kuya ko pero anong meron ngayon?
"Nakuha na daw ni mommy grades natin this semester. Pati nga 'yung kay Kuya Kio" sabi niya sabay lakad. Sinundan ko siya papunta sa lugar kung saan siya nagpark.
Hindi pala sa amin ibibigay. Totoo nga 'yung sinabi nilang deretso agad sa magulang. Akala ko joke lang 'yon.
Pota, bigla akong kinakabahan. Feeling ko naman wala akong bagsak. Nakakapagpasa naman ako ng tama sa oras. Nagpupuyat pa nga ako para gawin lang 'yon. Sa mga exam at quizzes ko, wala akong bagsak. Kaya bakit ako kinakabahan?
Ah, alam ko na. Kinakabahan ako kase alam ko na hindi nanaman ako papasa sa standards ng nanay ko. Lagi naman, 'di na bago 'yon.
Habang nasa byahe nagkwekwento lang siya tungkol sa nangyayari sa kanya. Wala nga akong balak makinig pero pinipilit niya ako. May paquiz pa nga after niya magkwento. Gusto daw kase niya malaman kung nakikinig ba daw talaga ako o hindi.
"Basta, 'wag mo na lang dibdibin kung ano 'yung sasabihin ni mom. Kase wala ka naman non" matotouch na sana ako sa sinabi niya kaso napakawalang hiya. Ayos na sana kung 'di niya lang dinagdagan pa.
Nakarating na kami sa bahay namin dito sa Parañaque pagkatapos na halos kalahating oras. Salamat sa skyway napabilis byahe namin. Kung hindi susko mga ilang oras pa siguro kami bago makauwi. Maluluka ka na sa traffic wala ka pa rin sa bahay niyo.
"Hi, Keilah!"
"Hello, Dad!" sinalubong ko ng yakap ang tatay ko nang makita ko siya pinto nag-aabang.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door || ✓
Подростковая литератураFOOL SERIES #1 KEILAH REIGN BAUTISTA PEREZ. Kei for short. The youngest in the friend group. She's an outgoing person that many people want to be friends with because of her personality. But behind the smile she is showing, she hides the sadness and...