"Since kakauwi lang ni Coach, simula na daw talaga bukas ang practice natin. 'Di katulad ngayon na kami lang. Kung nahihirapan na kayo sa amin, mas mahirap kay coach" sabi ni Ate Kendra, captain ng team.
"So, ano nang gagawin natin?" tanong naman ni Ate Alex.
Andito kami ngayon sa volleyball court ng school. Since, ito 'yung club namin ni Jade. Noong una, ayaw ko talaga, kaso nung nagclub hunting nilista niya ako kasama pangalan niya. Nakakahiya naman na magback-out kaya pumayag na lang din ako.
3rd meeting na namin 'to as a club, kaya feeling ko medyo awkward pa. Dagdag mo pa na apat lang talaga sila sa club. Nagback out na daw kase 'yung mga 3rd at 4th year. Nahihirapan daw kase sila pagsabayin pag-aaral at training.
Kaya lahat ng nakalista, pasok na agad sa team. Buti madami kaming nadagdag. To be honest, ngayon lang ako nakakita ng volleyball team na kulang ng members.
"Bisita tayo sa basketball club? Simula na din ng practice nila eh" kinikilig na saad ni Ate Denize.
"Gaga, dadating ngayon 'yung magsusukat ng jersey natin" nagkatinginan kami ni Jade ng sabihin 'yon ni Ate Kendra. Bakit hindi ko alam 'yon?!
Pilit kong inaalala ang napag-usapan last meeting, ayon kase 'yung araw na puro kami quiz. Hindi naman maayos ang turo.
Nang maalala ko, nanlaki na lang ang mata ko. Shuta ka Keilah, bakit mo nakalimutan ang bagay na 'yon?!
"Kei? Okay ka lang?" napatingin ako kay Ate Nicole, nang magsalita siya. Nasa gilid ko pala siya, nakita niya siguro reaction ko.
"Ah, o-oo" nahihiya kong sabi.
Saktong pagkatapos kong sabihin 'yon, bumukas ang pinto kaya napatingin kami kung sino pumasok. Agad lumapit si Ate Kendra at Ate Alex sa kanila. Sila ata ang magsusukat samin.
Nagsimula na kaming sukatan. Nauna muna 'yung ibang first year, bago ako.
"Anong number mo?" tanong ng lalaking nagsusulat ng sukat ko.
"Po?" tanong ko pabalik.
Bakit naman kase niya hihingin number ko? Papaloadan niya ba ako? O baka naman, plano niya akong i-scam? Aba, wala akong pera Kuya!
"Jersey number" ooh, sorry na po lutang lang. Hindi naman po 'yon kasalanan.
"Ah, 30 po" napa-iwas ako ng tingin pagkasagot ko. Pota, tungkol sa jersey ang usapan. Kung ano ano iniisip ko. Nakakahiya tuloy.
Nang matapos na akong masukatan, tumabi na ako at umupo sa bench. Inaantay silang matapos. Inaasar pa nga ako ni Jade gawa ng nangyari kanina.
"Nasa isip mo talaga na, kaya niya hinihingi number mo para paloadan ka?" natatawang tanong ni Jade. Nakaka-ilang tanong na siya nan, ha?
"Oo nga" sabi ko at nilagay ang dalawang palad sa mukha ko. Tuwing naiisip ko kase 'yung nangyari kanina, gusto ko na lang magpakain sa lupa! Nakakahiya sobra!
"Thank you po" tumayo na kaming dalawa ni Jade ng sabihin 'yon Ate Kendra.
Tinignan naming umalis 'yung nagsukat samin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil nagkatinginan kami nung lalaki kanina.
BINABASA MO ANG
Boy Next Door || ✓
Teen FictionFOOL SERIES #1 KEILAH REIGN BAUTISTA PEREZ. Kei for short. The youngest in the friend group. She's an outgoing person that many people want to be friends with because of her personality. But behind the smile she is showing, she hides the sadness and...