Last chapter of season 2.
ARVIE's POV
Pang apat na araw na walang weird.
Apat na araw na tahimik ang dinning.
Apat na araw ng walang mabahong diaper na umalingasaw.
Apat na araw na walang Yanna at Rexanne.
At apat na araw na parang patay ang RCG.
Nakakapanibago...kasi wala siya. Wala sila. Ang hirap pala nung ganito, nung may nawawala nang hindi nagpapaalam sayo. Nakakabaliw, nakakabaliw magisip kung ano nang nangyari sakanila?
Napabuntong hininga ako.
Napalingon ako ng maramdaman ang kamay na nakapatong sa balikat ko.
"Ate.." tawag ko. Ngumiti siya saka tumabi sakin sa kama.
"Iniisip mo siya." Napalingon ako sa gawi niya ng sabihin niya yon.
"Lagi naman." sagot ko. "Wala ka bang idea kung nasan sila?" dagdag ko.
"Kung meron man, ako na mismo ang magsasabi sainyo lalo na't dalawang araw nalang darating na si king." sagot niya na nakapagpapikit sakin.
Ang hirap.
"Yung tungkol nga pala sa pagdating niya sa 25, kailangan nating mag-prepare." natatarantang sabi ko.
Tumayo ako at kinuha ang phone ko, tapos kinuha ko yung jacket ko. Ay! Yung ipit ko nasaan?!
Napahinto ako ng marinig siyang tumawa, nilingon ko siya at tumatawa parin talaga siya.
"Nagjoke ba ko, te?" tanong ko.
"Pffft! It's funny how you told me yanna is your childhood friend when you not even know who she is." natatawang sabi niya.
"What do you mean?" takang tanong ko.
"Get dressed, I'll tell you."
Hindi ko na siya sinagot, agad na nag-bihis ako dahil nakapantulog pako.
Nang magtama ang paningin namin ay agad na inilipat niya ang tingin niya sa pinto na agad ko namang na-gets. Sumunod ako sakanya, hanggang sa makarating kami sa dulong kwarto ng safe lounge.
Nagulat ako ng makita ang buong kwarto.
Puno ng CCTV, monitors, keyboards, guns, bullets, money, drugs, and car keys.
Narinig ko ang pagsara ng pinto.
"Iniisip niyo palang, pinlano niya na..." panimula niya.
Napalingon ako sa mga baril na nasa boxes.
Nagulat ako ng ihagis niya ang isang blue print at mapa sa ibabaw ng mga baril kaya napalingon ako sakanya.
Nakasandal siya mesa, habbang naka-crossarms at diretsong nakatingin sakin na may ngisi sa labi.
"Paplanuhin niyo palang, nagawa niya na."
Napatingin ako sa blue print, blue print ng buong hideout ng mga Emperors to. Yung mapa, mapa ng location papunta sa hideout.
Narinig ko ang paglagapak ng isang bagay kaya napalingon ako sakanya. Hawak niya ang isang remote at may pinindot don.
Biglang nag-flash sa screen ang tinanim nilang CCTV sa airport.
"Yan ang mismong pathway ng dadaanan ni King sa paglapag ng aircraft nila."
CCTV's, kung ano-anong tungkol sa pangha-hack, mga naka-plant na bombs at mga timer, lahat planado, bawat kilometrong tatawiran o dadaanan ng emperor ay monitored.
BINABASA MO ANG
The Princess of Life and Death
RomancePAST Ito yung dahilan kung pano siya natutong lumaban, ipagtanggol ang sarili nya at ang mga taong importante sa buhay nya.. Ito yung dahilan kung bakit, eto na ang siya ngayon.. Ito yung dahilan kung bakit nawala yung mga taong importante sakanya...