Chapter 12: Sorry <//3

29.3K 370 5
                                    

Nilagay ko nalang sa isang chapter kesa mag part2 katamad eh, sobraaang inet :3

FAVOR NMAN OH :3
FOLLOW NYO NAMAN YUNG FANPAGE NG STORY KO. CHECK NYO YUNG LINK SA PROFiLE KO PLEASE ,

VOTE DIN KAYO DITO! ^____^V
Picture ni JET ALFORD SA GILID->

[EDITED]

 

(Continuation nung nangyari sa racetrack)

YANNA's POV

Since bigla akong inabutan ng gutom, dumaan pa muna ako ng san,fernando pampanga para kumain.

~BRIZZK-BRIZZK~

Nung mapansin kong nagvibrate yung phone ko, tinigil ko muna ang paginom ko ng coke float.

Si Jannah...

From: Jannah (DB)

 Nandito na kame sa Condo, kanina pa tawag ng tawag si Kuya Jet saken.
Di ka daw sumasagot sa mga tawag nya. Anyaree? Congrats nga pala ! ^-^

Psssh -____-!

'Badtrip kase ee.'

Kanina pa nga tawag ng tawag si kuya saken. Pero miski alin dun wala akong sinagot, dahil badtrip paren ako sakanya. Hinde naman sa childish pero..

Hay, badtrip talaga. -3-

Dahil nainis nanaman ako bigla, huminto muna ako sa isang gasoline station dito sa may NLEX.

Gusto kong uminom.

Mabilis akong nagpark at nagulat pa ako ng....

'Nandito nanaman sya? Tibay ah.'

Nagulat ako ng makita ko ang kotse ni hudas dito. Ano nanamang ginagawa nun.?

Nagpark ako sa bandang dulo ng gasoline station dahil ayokong magabot kami dito.

Pumasok ako sa isang maliit na convinient store at bumili ng 4 na bote ng tanduay ice . Pagkatapos ay bumalik na ako sa tapat ng kotse ko.

Napadesisyonan ko na dito nalang ako iinom sa tapat ng kotse ko,since may upuan naman dito. Kumuha muna ako ng damit sa kotse ko at pumunta ng CR para magpalit.

Pagbalik ko nilapag ko nalang yung damit ko sa gilid ng upuan tsaka binuksan yung plastic na may lamang alak.

Kumuha ako ng dalawang bote at binuksan ko yung isang tanduay gamit yung isa pa.

Saka ako uminom.

‘Haaaay ! Nakakawala ng Stress.'

Sumandal ako sa upuan at tumingala.

Clear dark sky, shining stars, fresh air and nice weather. Sana ganito nalang palagi ang buhay. Hindi man perpekto pero kahit papano, walang stress..

“Don’t you mind if I share seats with you?”  rinig kong tanong ng isang lalaki.

Di ko na pinagkaabaalahan pang tignan siya dahil wala naman akong pake 

Ramdam kong umupo na siya, dahil dama ko ang mabigat na katawan niya na humandusay sa upuan.

“Congrats !”

Napalingon ako nung sabihin nya yung huling salitang yun.

“Anong ginagawa mo dito ?” gulat na tanong ko.

The Princess of Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon