JANNAH'S POV
Ilang linggo, makaraan ang nangyari sa Palawan at eto busy-ing busy ang lahat para sa magaganap na debut.
December 23 a at ilang araw nalang debut na ni Arvie.
"MAHAL! CHOCOLATE CAKE NALANG AVAILABLE!!" sigaw ni Cads habbang nakaupo sa mesa.
"AYOS NA YON MAHAL!" sigaw ni Arvie pabalik.
Nandito kaming lahat sa condo ngayon.
Condo namin to be specific.
Back to normal ang lahat pag-uwi namin.
Hindi lang sa debut busy ang lahat, dahil busy din sila Alfreiy sa nalalapit na kasal.
Next year gaganapin ang kasal.
Si Nhicka at Jake? Ayon sila halos ang nagaasikaso ng papeles namin sa school.
Si Polo? Ay busy-ing busy kay Rexanne.
Si Hera at Prime? Nagpe-prepare na para sa panganganak ni Hera.
Si Kram? ay patuloy na nagtatrabaho sa RCG.
Si Stephen? busy sa basketball trainings.
Si Yanna? Sobrang daming inaasikaso sa kompanya.
Including Fibriya companies.
Ako? Eto pa-chill chill lang.
Sunday ngayon at papasok kami bukas para mag-take ng exam sa lahat ng na-miss namin.
Mahaba-habang aral nanaman ako mamaya.
Pumasok ako sa kwarto at nadaanan ko pa si Polo sa kwarto ni Yanna na nagpapatulog kay Rexanne.
Hindi ko alam na after ng halos dalawang linggo eh ibang polo na tong kasama namin.
Alam mo yun? Yung tipong hindi siya yung polo na nakilala mo.
Napakalayo niya sa gag*ng clarkson na kilala ko.
Mas malumanay pero bakas parin ang pagka-cold ng boses niya, ang bawat tingin niya ay malambot pero di nawawala ang angas sa bawat sulyap.
"Jannah?"
Nabalik ako sa reyalidad ng marinig kong tinawag ni Polo ang pangalan ko.
"Mmmm? May kailangan ka? Pampers? Lampin? Damit? Gatas?" sunod sunod na tanong ko.
Ngumiti siya saka nagsalita.
"Nope. Can you do me a favor?"
"Sure. What can I do for you?"
Tumayo siya at nilingon ako.
"Can you check on yanna for me?"
Noong mga nakaraang araw mas nagiging weird si Polo.
Ultimong maliit na bagay napapansin niya kay Yanna.
"Sige." sagot ko.
Nilabas ko ang phone ko at dinial ang number ni yanna.
["Oh?"]
"Anong ginagawa mo?"
["Meeting."]
"Hmmmm. Just checking you out. Ano oras break mo?"
["Hindi ako magbe-break. Kamusta si Rexanne?"]
"She's fine. Ano oras ka uuwi?"
["I'll be home by 9."]
"Okay, bye."
Tumingin sakin si Polo.
"Nasa meeting siya, 9 pa daw siya uuwi." usal ko.
BINABASA MO ANG
The Princess of Life and Death
RomancePAST Ito yung dahilan kung pano siya natutong lumaban, ipagtanggol ang sarili nya at ang mga taong importante sa buhay nya.. Ito yung dahilan kung bakit, eto na ang siya ngayon.. Ito yung dahilan kung bakit nawala yung mga taong importante sakanya...