SEASON II: Chapter 49: When she's gone.

13K 290 64
                                    

YANNA's POV

"May ipapabili ba kayo? Lalabas kami ni Cads." rinig kong paalam ni Arvie.

"Wala." sagot namin.

"Polo, ikaw?" tanong ni jannah.

Napalingon kaming lahat kay Polo. Nagtama ang paningin namin, pero umiwas siya na pinagtaka ko. Anong problema neto?

Tumayo siya at nag-lakad papalabas ng safe lounge. Last saturday pa siyang ganyan, isang linggo na ang lumipas nung ikinwento ko sakanya ang lahat ng tungkol samin.

Pakiramdam ko ay ayos lang naman sakanya yon, pero nagulat kami sa inasal nya nung nakaraan.

Nagbago siya..

*FLASHBACK*

"Polo, kakaen na." tawag ni Jannah sakanya.

Tumingin siya samin.

"I'm full." naglakad siya papasok sa kwarto nila sa safe lounge.

Nagulat ako ng tignan nila akong lahat, tumayo ako at dumiretso sa lounge.

Pagpasok ko ng kwarto nila, ay magkasalubong na kilay ang bumungad sakin.

"Kakaen na, ta--"

"What the fvck?! Didn't you know how to knock?!" Bahagya pa akong nagulat sa pagtaas niya ng boses.

Tinaasan ko siya ng kilay, nakahiga lang siya sa kama at busy sa cellphone niya.

"Inaaya kitang kumaen dahil hindi ka pa nagbe-breakfast, lunch na." malumanay na sabi ko.

"I said I'm full!" sigaw niya na mas lalong ikinagulat ko.

Tinignan ko siyang mabuti bago lumabas. Pagdating ko sa dinning ay pinaulanan nila ako ng tanong. Hindi na ako sumagot, at kumain nalang.

"Matutulog na ako, si Rex pakipasok na sa kwarto namin." utos ko.

Agad na tumango sila, sabay-sabay kaming naglakad papasok sa lounge ng makasalubong namin si Polo na papalabas.

Nagtama ang paningin namin pero nakaismid siya at umiwas.

Anong problema ng gagong to?! Tsk.

*END OF FLASHBACK*

Katulad nung isang araw din.

*FLASHBACK*

"Polo, anong oras na? Di ka ba papasok?" tanong ko.

Tinignan niya ako, yung malamig na tingin.

"Ano bang pakialam mo kung papasok ako o hindi? You're not my mother, at mas lalong hindi kita girlfriend." tumatawang sabi niya.

"Anong oras na kasi eh, malelate kana." sagot ko.

Mahinahon lahat ng salitang binibitawan ko, ayokong sumabay sa init ng ulo niya.

"Tss, fine!" sigaw niya saka lumabas ng kwarto.

Napailing nalang ako.

---

["Yanskie! Padala naman ako nung P.E uniform ko oh, nasa cabinet nakalimutan ko eh sorry."]

"Sge."

Umalis na ako dala ang uniform. Pagdating ko sa parking, as usual nakatingin sila sakin.

Nagbubulungan kesyo bakit daw hindi ako pumapasok, bakit daw hindi ako nakauniform. Mga pakielamero.

Pagdating ko sa hallway agad na nakita ko si Arvie, ngumiti pa ako ng kawayan niya ako.

The Princess of Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon