SEASON III: Chapter 60: I love you til death wife.

10.7K 262 71
                                    

Chapter 60: I love you til death wife.

POLO's POV

5 months after..

"Picture!!!"

"Oy kami naman ni Rex! Dapat ang kanyang pinakamagandang ninang muna!" sigaw ni Arvie.

Napasmile nalang kami ng mag-flash ang camera.

Rence's wedding was moved.

Nasa simbahan kami para sa binyag ni Rex, 3 months ago naging legal na anak ko na si Rexanne.

Hindi pa kami pwedeng maging legal parents niya pareho dahil di pa naman daw kami kasal kaya sakin muna siya isinunod.

Rexanne Chase Clarkson. Ohmen! Napangiti ako.

"You look real happy." Bulong ni Yanna habbang nasa kalagitaan kami nang picture taking.

"Because I'm damn happy!" nakangiting bulong ko.

Halos kami-kami lang din naman.

Ang mga ninang ay sina, Arvie, Jannah, Nhicka, Hera, Jade at si Ate Jewel. Samantalang ang mga ninong ay sina Rence, Kuya Jet, Kram, Prime, Jake, Stephen at Cads.

Dumiretso kami sa inihandang lunch ng mga Alford.

Papalabas na kami ng may tumapik sa braso ko napalingon ako at nakitang si Dad yon.

"Dad.." tawag ko.

"You seem, happy." Usal niya.

"I am dad."

Agad na hinapit ko si Yanna na ikinagulat niya.

"By the way, Dad, Ate, this is Yanna, my girlfriend." Sambit ko at ngumiti naman si dad.

"Finally, nice to meet you Hija. Welcome to the family." Sambit ni Dady at akmang yayakapin si Yanna pero humarang ako.

"Polo, nakakahiya." Bulong ni Yanna.

"Ooops. Okay na dad." Nakangiting sabi ko.

At natawa nalang siya.

"Hey there dear, welcome to the family." Bungad ni Ate.

Nagyakapan sila at agad na naghiwalay.

"Sunod na po kayo sa bahay." Sambit ni Yanna.

"We're sorry pero di kami aabot sa Lunch. Siguro sa dinner nalang, hija. Alam mo na business." Paalam ni Dad at agad ko namang nakuha yon.

Double celebration kasi, binyag at ang legal na pag-lipat ng apelido ko kay Rex.

"Sige ho." Nakangiting sabi ni Yanna

"See you later, Dad." Paalam ko at niyakap siya.

"Be there." Seryosong sabi ko at tumawa siya.

"I won't miss it." Bulong niya saka kumalas sa yakap.

Niyakap ko naman si Jade.

"Pumunta ka." Inis na sabi ko.

"I like you calling me Ate, ofcourse I will brother." Bulong niya at hinalikan ko siya sa noo bago kumalas.

Nagpaalam na sila saka ko naman hinawakan ang kamay ni Yanna.

"Let's go?" tanong ko.

At ngumiti siya.

YANNA's POV

Busy ang lahat sa party ngayon.

Nahagip ng mata ko ang bagong panganak na si Hera. Fortunately, di nasunod ang gusto ni Prime na lalaki dahil isang babae ang anak nila.

The Princess of Life and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon